CHAPTER 11

14.5K 179 27
                                    

Living with her

"WHAT happened, Mommy?!" gulat na gulat na tanong ni Lervin sa kanyang ina.

Nakadapa na si Jillian. Walang malay at naliligo na rin ng sarili niyang dugo. Tumama yata ang ulo niya kaya maraming dugo ang nawala sa kanya.

"Call the ambulance, honey!" nagpa-panic na saad ni Mommy.

"Wait!"

"Ano'ng...ano'ng."

"Arthea!" tawag sa akin ni Mommy at napatingin sa akin sa itaas si Lervin.

Walang emosyon ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"What did you do to her?!" pagalit na tanong niya at masasama na ang mga matang nakapukol sa akin.

"Kung may mangyayaring masama kay Jillian ay hinding-hindi kita mapapatawad. You'll pay for this," malamig na saad niya bago binuhat ang walang malay na si Jillian.

Hindi lang doon natapos ang pagbabanta sa akin. Dahil nagmamadaling umakyat sa hagdanan si Mommy.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko. Dinig na rinig iyon sa loob ng mansyon.

Naramdaman ko ang paghapdi sa pisngi ko at ang kanina pang mga luha na nagbabadya nang mahulog ay tila naging ulan na ito at tuluyan nang bumuhos sa aking pisngi.

"You're such a monster. Dear, magtago ka na kasi hindi mo magugustuhan ang gagawin sa 'yo ng sarili mong asawa," aniya at muli niya akong binigyan ng sampal sa kanang pisngi ko.

Nang makaalis na siya ay napaluhod na ako. Dahil sa mag-asawang sampal niya ay naigalaw ko na ang katawan ko at sobrang kinakabahan na ako.

Nanginginig ang mga kamay ko at mga tuhod ko pero nagawa ko pa ring tumayo.

Tumakbo ako, tumakbo ako palabas ng mansyon na 'yon. Humihikbi at hindi mawari kung ano ang gagawin ko.

Ang ipinagpapasalamat ko lang ay hindi ko nabitawan ang purse ko kanina. Mabilis na tinawagan ko ang taong makakatulong sa akin ngayon.

"Hello, Art?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"D-Drimson..." humihikbing sambit ko sa pangalan niya.

"Art? Umiiyak ka ba? Are you--shet Kuya, bring back my phone! Kinakausap ko pa si Art!"

"Ako na. Art, are you okay? B-Bakit ka umiiyak, Art?" nag-aalalang tanong ni Crimson.

"Crim...p-puwede mo ba akong s-sunduin dito?" nauutal at naiiyak ko pa ring sabi.

"Of course. Where are you, Art? Fvck! Wala sanang nangyaring masama sa 'yo! Nasaan ka, Art?"

"N-Nasa mansion ako ng in-laws ko."

"Wait for me there, Art. Stay still, okay?" Tumangu-tango na lang ako kahit hindi niya ako nakikita.

Pasalampak na napaupo ako sa kalsada. Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak nang umiyak.

Ilang minuto ang nakalipas at may humintong sasakyang nasa tapat ko.

"Art!"

"Art!"

Umangat ang ulo ko at nakita ko ang dalawang kaibigan ko. Humahangos na lumapit ito sa akin.

Si Crimson ang unang humila sa akin patayo at mahigpit na niyakap ako. Binaon ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib at doon ko na naman binuhos ang mga luha ko.

"Art, ano ba'ng nangyari?"

"It's okay, Art. Nandito na kami. Stop crying." Iyon lang ang huling narinig ko bago ako nawalan nang malay.

Gloom Series 1:Someday, I'll Be Gone (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon