Happy 8.1K. Salamat ulit sa pagvisit kahit hindi niyo binabasa yung story ko. Hehe. Okay lang..
THANK YOUUU!! :*****
******
Mayumi's POV
Andito ako ngayon sa bahay, kakalabas lang ni Marie last week from hospital. Kuya kasi e.. Di na ko pinayagang pumasok. Psh! Masagot ko na nga lang yung mga modules ko. Grabe yung modules ko. Ang kakapal nila. Isang subject lang ang kapal ng mga activity. Uunahin ko na muna yung mga madadali..
Nag-umpisa na ako magsagot ng bigla pa balibag na sagot ni Kuya ang pinto.
"Kuya!! Dahan-dahan naman. Sisirain mo yung pinto ng kwarto ko?"
Matalim lang niya akong tinitigan. Problema ne'to?
"Kailan mo ba balak sabihin ang tungkol dyan sa kalagayan mo, ha? Naospital ka na lahat lahat tapos hindi mo pa din sasabihin sakin?" so alam na niya.
Napayuko na lang ako. "I-I'm sorry, kuya.."
"Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo? Mayumi naman, anong ginagawa mo sa sarili mo, kita mo bumabalik na naman ang sakit mo. Hindi ang lungkot ang ikamamatay namin kundi 'yang katigasan ng ulo mo." naiiyak na si kuya, pero sigurado akong pinipigilan niya.. "Mayumi naman, nangako ka sakin sa kanila Mommy na aalagaan mo 'yang sarili pero hindi 'yun yung nangyayari.. Mahal kita. At gusto ko ibigay sa'yo ang makakabuti dyan sa puso mo. Sasabihin ko kila mommy ang nangyayari sa'yo. Sigurado akong papabalikin kanila ng States."
"P-pero kuya...."
"Walang pero pero, naiintindihan mo.." tumango-tango ako..
Ilalayo ulit nila ako kay Andrew???
******
Dara's POV
Oh hey there!! Namiss niyo ba ako.. By the way I'm with Andrew right now sa tambayan..
"Narinig ko 'yung tungkol kay Mayumi.. Awww! Poor Mayumi.." hindi niya ako pinansin.. "Kailan ba siya mamamatay---" natigilan ako ng nakitang tumingin ng matalim na matalim na tingin si Andrew sakin. Don't tell me... UGHHHH!
"WILL YOU PLEASE STOP!!!!" sinigawan niya ako. PSH! "Wag na wag mong sasabihin kay Mayumi ang mga ganyang bagay. Dahil ako mismo ang makakalaban mo. Si Mayumi, mamamatay? wag kang mag-alala mauuna ka sa kanya.." wtf. Bakit niya pinagtanggol yung pesteng babaeng 'yon. Bumalik na ba 'yung feelings niya? UGHHH! NOOOO! Kailangang mawala na ng tuluyan yang babaeng 'yan sa buhay namin ni Andrew.
******
Marie's POV
Ilang linggo na ang nakakaraan ng makalabas ako ng ospital. Okay na okay na ako pero hindi pa din ako pwedeng lumabas ng bahay? Protective masyado.. And speaking of Kyle.. lagi niya akong binibisita ngayon.. pero.. hindi sila nagkikibuan si Kuya.. Oh My Gosh! Until now galit pa rin si Kuya sa bestfriend niya? Tsk. Tsk. Tsk. I need to do something.
Lumabas ako ng kwarto naabutan ko si Kuya na nakaupo sa sofa habang nanonood. Tumabi ako sa kanya sinukbit ko ang kamay ko sa braso niya. "Hi Kuya" nakangiti kong bati..
"Kuya pwede ba akong lumabas ngayon? Magkikita kami ni Kyle sa park today.. Please?" nagpuppy eyes ako... and sa totoo lang wala naman talaga kaming lakad ni kyle. Gawa-gawa ko lang 'yon. Haha.
"Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha niya ah? Lagi nalang siyang naandito sa bahay tapos gusto mo pa siyang makita.. Psh!" Owkaaaayyyy -_- "Atsaka bakit hindi ka niya sunduin dito? Ha?"
"Kasi galit ka sa kanya.."
"Paano ako hindi magagalit sa kanya, siya ang dahilan kung bakit ilang araw kang nakaratay dyan sa ospital. Tsk.."
"Kuya kalimutan mo na 'yun okay. Matagal ng natapos 'yon.. Kita mo dyan sa galit mong 'yan nasisira na yung friendship niyo. 'Yun yung bagay na ayokong sanang mangyari.. pero wala e.. Nangyari na.." nakatingin ako sa kanya habang nagsasalita kaya napatinging siya sakin..
"Kung gusto niyang makipagkita sa'yo, sunduin ka niya dito hindi yung magkikita nalang kayo sa kung saan saan.." tumayo na si Kuya at pumanik agad sa kwarto..
Galit pa rin talaga si Kuya kay Kyle... <//3
******