Vote/Comment? Please Ü
******************
Marie's POV
Hayyyyy, wala pa ring pinagbago si Kyle. Siyang-siya parin yung Kyle na nakilala ko noon. Yung mukha niy, porma niya at yung ngiti niya.Ganon pa din yung nararamdaman ko para sa kanya. Ewan ko ba kung bakit kahit ilang beses niya pa akong ipagtabuyan, siya at siya talaga ang nilalaman ng puso ko.
*Flashback*
"K-kyle?! P-pwede mo ba akong tulungan sa Math? Ang hirap naman kasi eh, tapos ang haba-haba pa ng solution."
Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. "Kaya mo yan! Ikaw yata ng top 1 ng klase!"
*End of flashback*
Oha! Pahiya ako dun,. TOP 1 sa klase tas nagpapaturo sa Math? HAHAHA!
*Flashback*
"May date ka na ba para sa christmas ball? If w-wala pa pwedeng t-tayo nalang?"
Tumawa siya. "Grabe , wala bang nagyaya sayo? Kung wala pa hintayin mong may magyaya sa'yo. Pangit kasi tignan na ang babae pa ang nagyaya, pero sorry ah, may date na kasi ko. Sige una na ako. Kita nalang tayo mamaya!" Kyle
*End of flashback*
Ganyan ako kadesperado, makapartner lang siya. Pero may mas sasakit pa dyan, Narinig kong nag-uusap si Kyle at si Josh.
*Flashback*
"Dude, tapatin mo nga ako. Hindi mo ba talaga gusto ang kapatid ko?" Josh
Tumawa siya. "Bakit mo naman natanong yan?"
"Naaawa na kasi ako sa kapatid ko eh. Ngayon ko lang siya nakitang naghahabol sa isang lalaki. She really likes you."
"No hard feeling, dude. Pero talagang kapatid lang ang turing ko sa kanya. Sana maintindihan mo at pati na rin siya. Pasensya na!" Kyle
*End of flashback*
Ang sakit malaman na hanggang kapatid lang ang turing ng taong pinakamamahal mo. <//3 Meron pang isa ......nung last of classes, kakatapos lang naming makuha yung report cards namin. Inabot ko sa kanya yung isang box of cookies.
*Flashback*
"For you! Homemade cookies. I made this for you. Hope you'll like it."
Hindi niya ito kinuha, tinitigan niya lang ito. "Sige na tanggapin mo na oh. Pleaseeeeeee!" ngpacute na ako pero wala pa rin.
"Bat mo ba ito ginagawa? Hindi ka pa ba napapagod?"
"A-anong i-ibig mong sabihin?" naiiyak na ako.
"Hindi ka pa ba napapagod kakahabol sakin? Marie wag mong ibigay lahat sakin, dahil hindi ko kayang suklian yan. Alam mo Marie, you're pretty. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa'yo. Just open you're heart...... I'm sorry.....I'm sorry Marie."
Lumuhod ako. "P-pleaseee, wag mong gawin to skin. H-handa akong maghintay kahit gaano pa ito katagal, hanggang sa matututunan mo din akong mahalin." wala na. umiyak na ako.
Tinayo niyo ako. "I'm sorry Marie, you need to stop this. I'm sorry!" yun lang nag sinabi niya at umalis siya.
*End of flashback*
Bakit ganon? Kahit nasaktan na ako diko pa rin siya kayang kalimutan? Bakit sa twing naaalala ko siya, nawawala yung galit ko. Ngayon dumating siya, lalo na akong naeexcite pumasok, kaya lang.... feeling ko may gusto s-siya k-kay Mayumi. Nabestfriend ko?
*********************