Closeness
No One' s POV
Gaya ng napagusapan kahapon, maagang nagpunta si Ino sa bahay nina Aling Nena para tulungan si Lena. Pagkatapos nila sa kanilang ginagawa agad name ipinaalam ni Ino si Lena, pumayag naman si Ailng Nena.
Sumakay sila ng bike para mabilis nilang mapuntahan ang kanilang pupuntahan. Nagpunta sila sa isang bahay o para isa itong museo sa dami ng mga larawan na nakasabit sa bawat dingding. Mahilig kasi si Ino sa mga paintings dahil ang mga I to at sumasalamin sa kung anong klaseng tao. It use to expressed the feelings of a person. Kung ikaw ay inlove,brokenhearted, happy,sad.
Namangha naman si Lena sa kanyang nakikita. Sobrang saya niya. Nagagaling siya sa mga ito pintor ng mga ito..
"Mahilig si Mama sa paintings, bawat makita niyang paintings binibili niya.. She' s madly inlove with arts. Dahil ang nagturo sa kanya ng mga paintings ay ang aking ama."
"Nasan ang ama mo?!"
"Magmula ng iwan niya kami ni mama, nagsimulang magpinta si mama ng kung ano ano. Yung ngang huling painting ni mama na kung saan nagpapahiwatig na kung saan gusto nalang niyang mawala sa mundong ito."
"Nalulungkot ako para sa kanya. Grabe, diko ineexpect ang nangyari sa buhay niya. Nung unang pagkikita namin Hindi nakita sa kanya ang sakit ng nakaraan. He's strong." Yan ang nasa isip ni Lena.
"Wala ka na bang balak alamin kung nasan ang ama mo?" Tumawa ito bago sumagot sa tanong ni Lena.
"Gusto.. Pero wag na siguro, masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon." Ngumiti ulit ito Kay Lena.
"Halika na?" Tumango at sumunod na si Lena kay Ino.
Naglakad na lamang sila habang tinutulak ni Ino ang bisikleta..
" Sana kagaya na nalang ako. Malakas at matapang."
Napahinto sa paglalakad si Ino at hinarap ang dalaga.
"Anong ibig mong sabihin?"
" Wala naman, sinasabi ko lang naman na sana maging malakas at matapang para pagdating ng araw kapag may problemang dumating sakin, babalewalain ko nalang at ipagpatuloy ang buhay na meron ako." Tumawa si Ino at ginulo ang buhok ni Lena.
Pagkatapos ng tagpuang iyon nawalan na silang gana kaya naupo nalang sila sa damuhan habang tanaw ang buong Angono.
"Mas masasabi ko na masarap mamuhay dito kesa sa syudad."
Humarap si Ino Kay Lena..
"Tama ka. Magulo, mapolusyon at maingay sa Maynila pero dito masarap ang simoy ng hang in, tahimik at higit sa lahat masaya..
***
Probinsya o Syudad? What do you think guys?
PS. Kailangang harapin ang bawat pagsubok na ating kinakaharap ngayon.
-kNICnacks