Mayumi's POV
"ANDREW !!! ANDREW ANO BA?" kanina ko pa sinisigaw pangalan niya pero di niya ako pinapansin. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Alam kong umiiyak siya. "Andrew? Please, makinig ka naman sakin oh!" Huminto siya.
"Sh*t." tuloy-tuloy pa rin siya.
"Andrew, please..." naiiyak na tuloy ako. "Hindi ko sinasadyang sabihin sa'yo 'yon. Pero Andrew, pano naman ako. Pagod na 'ko dyan sa operasyon na 'yan. Papalitan na naman nila ang puso ko? What if hindi magiging successful yung operation. Andrew, sinasabi ko na ito ng maaga para maaga niyong matanggap na hindi ko na kaya, na ayaw ko na." huminto siya at dahan-dahan siyang humarap sakin habang umiiyak. "Andrew...I'm dying.."
"Sh*t. Lumaban ka naman para samin. Lumalaban din naman kami sa'yo ah."
"Andrew, hindi ganon kadaling lumaban kung alam mo ding sa umpisa wala na.. Tignan mo, unti-unti ng nirereject ng katawan ko ang puso ko. Andrew, pano kung... pano kung hindi rin tanggapin ng katawan ko ang sunod na ipapalit dito? Andrew please! Please respect my decision." napaupo siya sa gilid ng kalsada habang patuloy na umihikbi.
"Sa tingin mo madali para samin ang sumuko, ha. We want you to live long. Ng dahil sa bwisit ng desisyon mong 'yan, unti-unti mo na din kaming pinapatay." umupo ako sa tabi niya at hinagod ang likod niya..
"Mag-ayos ka na.. Uuwi na tayo.." balik nanaman yung cold expression niya sakin.
***
Manila
Ilang araw na magmula ng ihatid ako sa bahay ni Andrew. And until now hindi pa rin siya nagpaparamdam sakin. Galit pa rin ba siya?
"Hi Baby. Oh, malungkot ka na naman.." si Mommy..
"Mom, h-hindi ka po ba galit sakin?"
"Ofcourse not. Bakit naman ako magagalit sa napakagandang anak.." napangiti ako sa sinabi ni Mom.
"Mom, bakit ganon? Bakit hindi po niya matanggap na ayoko na," ngumiti siya.
"Maybe he's not yet ready. Di ba kamakailan lang kayo nagka-ayos. Siguro anak, gusto ka pa niyang makasama ng matagal. Kasi anak mahal na mahal na mahal ka niya anak."
Kung mahal nga niya ako, bakit hindi kayang tanggapin 'yon?
****
Kyle's POV
Kanina kami dito sa bar. Kasama ko ngayon si Andrew, naglalasing na naman siya.. Sigurado akong may problema sila ni Mayumi.
"Tang-ina naman oh! Bwisit na buhay to. Bakit kung kailan pa kami nagka-ayos dun naman siya susuko sa labang kamakailan ko lang nalaman. Sh*t! Sh*t! Sh*t!" sabi na e. "Bakit ganun kadali para sa kanya ang sumuko. Damn. Hindi pa ba tayo sapat para sa kanya? Para ipagpatuloy nya yung laban. Ugh! Bakit ganto ang nagyayari sakin? samin?" lumagok pa siya lalo ng alak. Lasing talaga tong isang to.. "BUMABAWI KA NA SAKIN HA? GUMAGANTI KA NA? AKO NALANG. AKO NALANG YUNG GANTIHAN MO SA LAHAT NG KATARANTADUHANG GINAWA KO SA KANYA." nag-break down na siya.. "PAKSHET TALAGA!!!!!.."
"Pare tama na yan.." inakay ko na siya palabas ng bar kasi sobra-sobra na siyang lasing. Nung paglabas na namin sa bar pinagsisipa niya yung gulong ng sasakyan.
"I hate my fuck*ng life."
"Bro tama na yan..."
"Tumigil ka.." tinulak niya ako. tinulak ko din siya kaya natahimik siya ng konti..
"Kung mahal mo siya, andun ka dapat sa tabi niya, hindi yung andito ka sa pesteng bar na 'to. Sa tingin mo ba nakakatulong ang alak?" ngumisi ako.. "Hindi diba. Sa tingin mo ba 'yang pg-iinum may magbabago ba sa kalagayan niya? Wala naman diba? Bakit hindi mo siya puntahan at iparamdam mong mahal mo siya? Baka sakaling mapabago mo ang isip niya. " alam kong ayaw na ni Mayumi na sumubok sa operasyon. Pero kung sinasamahan niya ngayon si Mayumi & ipafeel niya na maraming nagmamahal sa kanya at naghihintay sa kanya baka sakaling magbago isip niya diba.. Tanga din ang isang to eh..
Tumayo siya at sumakay sa kotse niya..
****
