Hi Guyssss! Basahin niyo din po yung A Princess' Story. JaDine din yan! Thanksssss.
******
Kyle's POV
Magdidinner kami together ni Mayumi mamaya. Don't worry guys, pinagpaalam ko na ito sa Kuya niya. No need for you to worry. Aalagaan ko siya. Alas kwatro palang pero hindi na ako mapakali. Dahil ngayon... ngayong araw ako magtatapat kay Mayumi. Ipagtatapat ko na tunay na nilalaman ng puso ko. Ngumiti ako. Gagawin kong memorable ang gabing ito.
Mayumi's POV
Sinabi ni Kuya na ipinagpaalam daw ako ni Kyle. Anong trip non? Pero anyways dapat akong magpasalamat sa kanya dahil makakalabas ako tonight. Tinanong ko si Kuya kung bakit tangging sa got niya ay .. "Aba'y malay ko..." Nice answer. Psh! Katatapos lang ng tutor session ko. Gosh, buti nalang mabait si ate Macey (tutor ko), buti nalang at binigyan niya ako ng chance para makipagtext. Tinext ko si Kyle at tinanong kung san kami pupunta eto sagot niya. "Basta mag-ayos ka. Dapat maganda ka mamaya." WHAT THE? Magayos para maging maganda?So hindi pala ako maganda sa paningin niya? Grrrrr!
It's already 6 yung usapan kasi is 7pm sharp. I'm wearing a plain white sando and floral skirts. Tas nagflats nalang ako ayoko ng heels. Kinulot ko yung buhok ko. Naglagay din ako ng kolorete sa mukha, pero yung light lang.
*Knock Knock*
"Hija, andito na ang sundo mo.. " sabi ni Manang mula sa labas ng kwarto ko. "Andyan na po.."
Sinukbit ko na yung bag ko at lumabas. Pagbaba ko, naabutan ko siyang nakaupo at nakatingin sakin. "Ano na? Tititigan mo nalang ba ako forever? Duh!" natatawang sabi ko, Nabalik siya sa katinuan at inaya na ako palabas ng bahay. "San ba tayo pupunta,huh?!" nginitian niya lang ako.
Maya-maya tumigil kami sa isang park. Medyo madilim yung park. Anyare? Walang power? Aba asan na ba si Mayor? Naku, bakit hindi niya pa ipaayos to? Naku, pag hindi niya naayos to ibig sabihin wala ng boboto sa kanya. Oh well, goodluck sa kanya. Pagbaba ko ng kotse bigla nalang ako piniringan ni Kyle. Gosh! Yung maskara ko ,yung eyeliner ko. Sana di nalan niya sinabing magpaganda ako kung sisirain niya. Bwisit na to, sayang effort. Psh!