"Grabe ka talaga. Haha. Oh, naipadala ko na pala yung mga picture kanina. Grabe Hindi ko na maimagine ang mukha niya ngayon." Tumawa kaming dalawa.
Ipinadala ko na sa kanya yung picture na kung saan nagpapatunay na naandoon siya sa pinangyarihan ng sunog
."Tara kain tayo sa labas! Dun sa paborito mong kainan. Tara?"
***
Dara's POV
Na nanaman? Gosh, kailan titigil to.
Hi dear. Sabi ko na kasi sa'yo nandun ka sa pinangyarihan sunog. Here some evidence..
Picture 1: Ito yung picture bago mangyari ang sunog. Dito sa unang picture meron akong bracelet na kulay pink.
Picture 2: Nakatayo ako at tinatanaw ang nasusunog na gusali. Wala rito ang bracelet
Picture 3: Dito mo makikita yung mga ngisi sa mukha. Di ko na run suot dito yung bracelet.
No!! This is not happening to me. Hindi na ako maaring balikan ng nakaraan. Everything is in the past now. Matagal ko ng binaon 'yon. Hindi pwedeng masira ang career ko ng dahil sa pesteng Mayumi na 'yan.
Kahit multuhin pa ako ng Mayumi na 'yan hinding hindi ako matatakot sa kanya.
"Hello Andrew?"
"Dara? Napatawag ka?"
"I need you.."
"What happened to you?"
"Can we meet today?"
Andrew's POV
Ano na naman kaya ang problema ni Dara... Bakit biglaan na naman ang pakikipagkita niya?
Dito na lang kami sa Restaurant na madalas naming pagkainan ni Mayumi.
Nauna aking dumating sa kanya dito.. Agad itong dumating..
"You came.."
"Anong kailangan mo? Make sure hindi masayang ang oras ko.."
"Okay.. Merong isang tao ang gumugulo saakin. Kung ano ano ang ipinapadala sakin, nung una isang box na merong patay na daga tapos lagi na akong nakakatanggap ng text... Death threats.. Natatakot na ako. Ano na ang dapat kong gawin?"
"I don't know. Bakit ka ba sakin nagsasabi? Hindi ba dapat ay sa pulis ka nagsasabi, hindi ako pulis wala akong magagawa dyan.."
Habang nag-uusap kami bigla nalang nahagip ng tingin ko ang babaeng nakatingin din sa akin..familiar yung mukha ng babae sakin.. Kamukha ng babaeng minahal at minamahal ko. Napatayo ako bigla at lumabas para puntahan ang babaeng iyon.. Narinig ko pang sumigaw si Dara.
"San ka pupunta? Nag-uusap pa tayo dito?" Hindi ko siya pinansin..
ngunit paglabas ko wala na ito..
M-mayumi?
