Hi guyssss! Pakibasa din po ang A Princess Story! Salamat :****
Vote & Comment po? please? Salamat ulit :*****
******
Kyle's POV
It's been a week since that insident happened. Isang linggo ng walang malay si Marie sa hospital. I don't know what to do.. Ang alam kong lang.. ako ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon. H-hindi ko sinasadyang sigawan siya. Nagiguilty ako.
"A-ano bang nangyari?" tanong sakin ni Mayumi na umupo sa tabi ko..
Napayuko ako. "Hindi naging maging maganda ang takbo ng usapan namin.." umiiyak na ako. "Kasalanan ko kung b-bakit siya andito.." humagulhol na ako ng iyak..
"Ssssh.. W-walang may gusto nito.. kaya please wag mong sisihin ang sarili mo.."
"Ang gago gago ko.. Ni hindi ko man naapreciate yung pag-aalala niya sakin.. lalong lalo na sa pagmamahal niya sakin.. Minahal niya ako mula noon hanggang ngayon pero ni hindi ko siya pinapansin k-kasi hindi naman siya yung laman nito e..."
"p-pero alam mo ba... ang swerte swerte mo kasi may handang magmahal sa'yo ng higit pa sa inaakala mo. Na handang masaktan." ngumiti ako. "Nakakaproud si Marie alam mo ba. Kahit ilang beses mo siyang ipagtulakan, andyan at andyan pa rin siya.. naghihintay na mapansin mo." ngumiti siya.. "Darating din yung time na matutunan mo na siyang mahalin.."
Tiningnan ko si Mayumi. Ngumiti siya sakin.. Hindi ko alam kung guilty lang nararamdaman ko pero alam kong meron na e. Hindi ko alam kung pano at saan nag-umpisa.. Bigla ko nalang naramdaman.. Kailangan kong siguraduhin ang nararamdaman ko.. Ayokong may masaktan ulit.
Mayumi's POV
Tumayo si Kyle. Pupunta lang muna daw siya sa chapel. Kaya tumayo na ako at pumasok sa kwarto ni Marie.. Naabutan ko si Andrew na nakaupo sa may sofa habang nagsusurf sa phone niya. Umupo ako sa tabi ni Marie.
"H-hi Marie." inayos ko ng bahagya yung kumot niya. "Ilang araw na Marie.. wala ka pa bang balak bumangon dyan? namimiss ko na kakulitan mo e... Nakakalungkot isipin na nangyari to sa'yo. Hindi ito ang nararapat sayo. Hindi ka pa pwedeng mamatay okay.. Kasi dapat ako muna ang mauuna." naiiyak na ako. "Lumaban ka ha! Gusto ko ulit makita ang mga ngiti mo. Andaming nang nakakamiss sa'yo dito. Gumising ka na ha, mukhang nakakarealize na yung isa. Ha-ha.." sunod-sunod na ang patak ng mga luha ko. "Kaya please, gumising ka na.." napahagulhol na naman ako. Nasasaktan ako sa nakikita ko kay Marie. Super pale at ang putla niya pa.
Narinig ko ang malakas na buntong-hininga ni Andrew. "Drama.." bulong niya pero rinig na rinig ko.. K-kaya lalo akong naiyak. Bawat kasi bitawan niyang salita parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit.. Kaya bigla akong napatayo naninikip na naman kasi ang dibdib ko.. Nahihirapan n-naman akong huminga... Mas lalong sumisikip ang dibdib ko.. Humawak ako sa sandalan ng inuupuan ko dahil alam kong anytime pwede akong matumba.. Nakita ko si Andrew na nagulat kaya tumayo sya at lumapit sakin.. Napangiti ako ng bahagya.. Nung nahawakan niya ako narinig ko siyang b-binanggit ang pangalan ko.. "M-mayumi.." then everything went black..
******
