Maries's POV
Nabalitan ko yung nangyari kay Mayumi. Sinugod daw siya sa hospital. Aargh. I hate that Dara ng dahil sa kanya mas lalo akong masasaktan sa mga makikita ko. Tss. Kakatapos lang ng class kaya dadalawin ko muna si Mayumi sa school. Kakasakay ko palang sa kotse ng mag-ring phone ko.
Josh Pogiiiiii (siya po naglagay. kapal ng kapatid ko noh? Pogi daw? Pweeeeee!) calling..
"HELLO MARIE!"
"Kailangan talagang nasigaw? Psh! What" mataray na sagot ko.
"Asan ka?!"
"On the way na ako papuntang hospital. Bakit?!"
"ANAKNGGGGG! Bat di mo ko hinintay?"
"Malay ko bang pupunta ka pala ngayon? Tsk. Magcommute ka nalang" di ko na siya inantay na makasagot, agad ko ng pinatay yung phone ko. Bat di siya magcommute? Utak ka nga naman! Oh well yung utak ng kapatid ko na sa talampakan >:D
*hospital*
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto baka kasi natutulog pa si Mayumi, ayokong maistorbo siya.
"Bakit hindi mo pa kasi sabihin sa kanya, yung kalagayan mo? Baka isang araw siya pa ang makapatay sa'yo." B-boses ni Kyle yun ah? T-teka anong kalagayan nag pinagsasabi niya? Makapatay? Sinong makakapatay kay Mayumi. Aisssh! Anggulo.
"No ayoko!!" matigas na sabi ni Mayumi. "Kahit anong mangyari hindi ko sasbihin sa kanya, hindi niya malalaman toh., kahit ikamatay ko pa" umiiyak na si Mayumi. Ano bang pinag-uusapan nila bat hindi ko maggets?
Umupo si Kyle sa tabi ni Mayumi. "Mayumi, listen to me, dahil sa pangyayaring ito baka bumalik ang sakit mo." s-sakit? m-may s-sakit si Mayumi? Pero????!!! "Pag nalaman to ng kuya mo at ng parents mo sa tingin mo hindi sila magdadalawang isip na ibalik ka sa States at ikulong ulit? Mayumi naman! Akala ko ba you want a simple life, eto na o pinagbigyan ka na tas sasayangin mo lang?" patuloy lang sa pag-iyak si Mayumi. "ssshhh, tama na. Wag ka ng umiyak. Nagaalala lang naman ako sa'yo e." niyakap siya ni kyle <//3