Chapter 2: Kuya is here!!

2.6K 71 0
                                    

 Vote/Comment Ü

Mayumi's POV

Nakasabay kong pumasok si Marie. Nagbatian lang kami. Hinawakan niya yung kamay ko at bigla hinila. "Tara, samahan mo muna ako sa tambayan." sabi niya habang hilahila niya ako. Pagdating namin dun sa tambayan na sinasabi niya, ndito yung tatlo.

"Anong ginagawa nyan dito?" matigas na sabi ni Andrew. Siniko naman siya ni Jude. "Pasensya ka na dito ah."

Narinig ko siya ng nag-tss. "No it's okay. I think I should go. S----------"

"Mabuti pa nga." bulong niya pero lahat kami narinig.

"Sige! Mauna na ako." ngumiti lang ako at umalis na.

Ang HARD niya,...... Naglalakad ako sa hallway ng may nagtext sakin.

*Bzzzzzt *Bzzzzzt

Fr: Kuya Gab

Princess, umuwi ka na. We need to talk.

PATAY. A-andito na si K-kuya? B-bakit biglaan naman yung pag-uwi niya? T-teka hindi kaya alam na niyang pumapasok ako sa school? Malamang alam na niya wala nga kasi ako sa bahay, diba? Aissshhh.

Agad akong umuwi ng bahay. Feeling ko yung aura ni kuya iba. Patay talaga ako neto sa kanya. Huhu!

Gustong-gusto kong umuwi ng pinas kaya lang ayaw nina Mommy. Dahil daw sa kalagayan ko. Psh! Di na rin naman ako inaatake eh. Pero gusto ko talagang umuwi eh, kaya pinilit ko sila. Hanggang sa payagan nila ko. Pero si Kuya may hinihinging kapalit.  Hindi daw ako papasok, maghohomeschooled nalang daw ako para safe. Kaya no choice ako kung hindi pumayag, kesa naman sa hindi ako makauwi. Pero dahil sa pagiging matigas ang ulo ko, hindi ko tinupad. Pumasok pa din ako sa school.

"Ma'am, andito na po tayo." Andito na ako. Hinga ng malalim. Breath in - Breath out. Inhale-Exhale-Inhale-Exhale.

Pagbaba ko ng kotse agad akong sinalubong ni Yaya Cecil.

Bring It Back (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon