57

912 21 1
                                    


Bestfriend

Mayumi's POV

After kong bumili ng mga bulaklak, dumiretso na kaagad ako sa isang institution, kung saan siya ipinasok ni Tita. Dumadaan siya sa mga counseling.

Naghintay ako sa visitors area. 15minutes lang eh nandito na siya.

"What are you doing here?" Malamig niyang pagkakasabi.

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

"Nandito ka ba para pagtawanan ako at tawaging baliw? Tss." Malamig pa rin siyang magsalita. "Well, hindi ko gusto ang presensya mo kaya pwede ba umalis ka na!" May bahid na galit ang boses niya.

"Nandito ako kasi...."

"Kasi ano?! Para ipagmalaki mo saakin lahat? Ganon ba? Na ikaw na yung sikat at tinitingala ng lahat at ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ni Andrew, ganon ba? Ha? Pwes, iyong-iyo na yan. Isaksak mo sa baga mo." Galit na sabi niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita."Hindi ako nagpunta dito para makipag-away.. Pumunta ako dito para... Para sa'yo."

"For me? Aww. How sweet naman of you. So magkaka-utang na loob na ba ako sa'yo?" She smirked.

Umiling ako. "I'm doing this because of me. Kasalanan ko ang lahat ng ito."

"Well, buti naman alam mo yang mga kasalanan mo. Tss."

"At hindi ako pumunta dito para makipag-away sa'yo."

"So ano pa bang ginagawa mo dito? Umalis kana, sinasayang mo lang ang oras ko.."

Kinuha ko sa bag ko yung bracelet na bigay ko sa kanya noon. Inabot ko ito. Nagulat siya.

"Happy birthday, bestfriend." Tumulo ang mga luha ko. "I'm sorry ngayon lang kita naalala. I'm sorry kung medyo natagalan ako. I'm sorry kasi ng dahil sakin nagbago ka. Sana mapatawad mo ako sa lahat lahat. Alam mo ba, napakasaya dahil ikaw ang naging bestfriend ko..masaya din ako dahil sobrang tinreasure mo yung friendship na meron tayo. Masaya ako kasi magkaklasi, magkalaro at magkapitbahay pa tayo.. Hinding-hindi ko pinagsisisihan na nakilala at dumating ka sa buhay ko. Ikaw ang best bestfriend ko." Napaiyak na ako. Wala mang kaekspre-ekspresyon ang mukha niya. Nakayuko siya ng bahagya.

"Sana bumalik na yung bestfriend kong masayahin, hindi yung laging nakikipagkumpetensya. Miss ko na siya." Pilit akong ngumiti. "Walang kasiguraduhan na babalik siya o kung gugustuhin niya pang bumalik....nasa kanya na iyon. Basta alam ko sa sarili ko na babalik siya. Hihintayin ko ang pagbabalik niya.. Kasi alam kong hindi niya ako matitiis kasi mahal niya ako." Tinulak ko sa harap niya yung mga prutas na dala ko. "Happy birthday." Tumayo na ako umalis. Gumaan nang kaonti ang nararamdaman ko. Sana mapatawad na niya ako.

I will never get tired of waiting. I'm sorry.

Bring It Back (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon