Mayumi's POV
Andito ako ngayon sa garden with Marie.
"Nakita ko din yung mga tingin mo kay Andrew ... Anong meron sa inyong dalawa?" nagtatakang tanong ni Marie ... Ngiti lang ang isinagot ko. "Diba sabi mo kanina we're bestfriend? At ang magbestfriend hindi naglilihiman, kaya magkwento ka na .. Makikinig ako .."
"A-andrew is my ex. Iniwan ko siya noon kasi kailangan kong ....." napahinto ako, hindi ko alam kung pati yong sa sakit ko e malaman niya .. "Basta, it's something important. Pero narealize kong mali yong naging desisyon ko.."
"Pinili mong iwan sya para magpagamot, tama ako di'ba?!" I looked at her. How did she know? "If nagtataka ka kung bakit ko alam ang tungkol sa kalagayan mo, dahil narinig ko kayong nag-uusap ni Kyle.. Don't worry your secret is safe with me.. Sige na ituloy mo na.."
"Kung meron akong chance na ibalik ang nakaraan, siya ang pipiliin ko. Kahit ikamatay ko pa, pero hindi yun yung nangyari e, mas pinili kong magpagamot. Hindi naging madali ang ginawa ko noon, kinailangan ko pa syang saktan at sabihan ng kung ano-ano. Sinabi ko sa kanya hindi ko na siya mahal. Kahit masakit ginawa ko .. Kaya nung panahon na yon I set him free. End of story. period." I just gave her a half smile. "G-ganun ko sya kamahal.." Nginitian niya ako.
*Beeep*
Fr: Kuya
Umuwi ka na. We need to talk.
No emoji? Ugh! Dapat na akong kabahan..
"Uhm, Marie, I'll go ahead. Nagtext na si Kuya e, kita nalang tayo bukas. " hinug ko na siya at kiniss sa cheek.
