Chapter 14

1.4K 53 1
                                        

Mayumi's POV

Ang bilis ng panahon dahil ngayon ang unang araw ng foundation. Wala namang masyadong nangyari nung mga nakaraang araw, medyo pahirapan nga lang at yung kalagayan ko naman parang lumalala. Napapadalas na ang pagsikip ng dibdib ko at napapadalas na din ang pagpunta ko sa doktor. Hindi ko nalang pinapansin. Anyway, we're just here to enjoy.

Naglalakad ako sa open field ng school. Maraming mga booth. Photo booth, marriage booth, kissing booth, food booth at meron ding book booth at marami pang iba.  Marami ka ring mapagpipilian ng mga makakainan.

"Andito ka lang pala. Halika manood tayo ng basketball game.." Si Marie. "Ngayon yung laro nina Kyle diba?" AH! Muntik ko ng makalimutan may l-laro sina Kyle ngayon kalaban nila ang team ni Andrew.. Bago pa ako makasagot hinila na niya ako papunta sa gym.

*GYM*

Tilian dito. Tilian doon. Ano pa bang aasahan mo sa mga ito e hearthrobs yung mga naglalaro.

"GO! FAFA ANDREEEEW!"

"GO JOOOOOOSH!"

"GO JUDE, MY BABY!!!!" tas nagtatawanan sila

Umupo kami dun sa medyo ibaba. Malapit dun sa bench nung mga manlalaro.

"GO KYLEEEEE!" pero napatakip siya ng bibig at dahan-dahan siyang tumingin sakin.

"Do you like him?!" nagulat siya sa tanong ko. Tumawa ako. Yung reaksyon kasi niya e, HAHA! "Ano na? Is it a YES or a NO?"

"I-I-I....... A-aano bang pinagsasabi mo dyan?" medyo natataranta na siya. Binaling niya ulit yung tingin niya dun sa game.

Bring It Back (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon