MemoriesNakapag-ayos na ako bago palang ako bumaba. Teka, anong oras na ba? Akala ko ba susunduin ako ni Andrew today?
"Manang? Hindi pa ba dumarating si Andrew?" Tanong ko kaya Aling Gina na kasalukuyang nag-aayos ng mga bulaklak sa vase.
"Naku Mam, wala pa ho."
"Eh sina Mommy at Daddy as an?"
"Maaga ho silang umalis. Di naman sinabi kung nasaan."
"Sige salamat ho.."
Palabas na ako ng pinto ng magring ang phone ko..
Fr: Andrew
Good morning. Sorry I can't pick you up today. May gagawin lang akong importante. I'll text you when I'm done. I love you..
Nice one. Anong gagawin ko ngayon, nakabihis na pa man din ako. Mall? Shopping? Park?
Leilani Calling...
"Hello? Tita?"
("Mayumi, hija.. Naistorbo ba kita?")
"Naku hindi naman po.. Why?"
("I need to talk to you. Pwede ka ba today?")
"Yes Tita. San po ba sa bahay niyo? Sige ho papunta na po ako."
I ended the call. Dumiretso na agad ako sa bahay ni Tita Leilani. She's Dara's Mom.
Madali lang naman akong nakarating sa bahay nila. Dumiretso agad ako sa kwarto na may disenyo ang pintuan, dahil yun ang turo ng katulong nila.
I entered the room. nang makita ako ni Tita agad siyang ngumiti. Nakaupo siya sa gilid ng kama at pinalapit ako sa kanya. Room ni Dara ito.
Inabot saakin ni Tita ang isang photo album... Picture ni Dara ang nga nakita. She looks happy..very very happy..
But yung isang picture niya malabo ang pagkakakuha. May isa siyang kasamang babae.
"Lalabas lang ako saglit para maipaghanda ka ng makakain.." Tumango na lamang ako.
Nilipat ko sa kasunod na pahina pero this time hindi na malabo ang kuha. Dara and.... me? Paanong?
Yung sumunod na picture naka-akbay na siya sakin habang pareho kaming nakangiti. Meron din kaming picture ng nakayakap.
Tiningnan ko ang kabuuan ng kanyang kwarto. And napastop ako sa kabinet. May parang nakaipit dun sa ilalim.. Lumapit ako para tingnan iyon.. And it was her diary.
June 12, 1999
Dear Diary,
Alam mo ba kanina..may bagong transferee at seatmate ko pa siya. Babae siya. Mayumi Gail Salcedo ang pangalan niya. Mahiyain yata siya eh. Hindi siya nagsasalita. Kinakausap ko naman kaya lang ngiti lang ang sagot na ibibibigay niya saakin. Alam mo sana maging nagkaibigan kami...
And sa pag-uwi ko kanina... nakita ko na naman siya. Katabing bahay lang pala namin sila. Na kakalipat lang din. Sana talaga maging matalik kaming magkaibigan.
***
June 13, 1999
Dear Diary,
Alam mo bang napakasaya ko ngayon kasi kinakausap na niya ako. Sabay pa kaming kumain kaninang recess. Ang saya kasi kaibigan ko na siya agad. Tapos naglaro pa kami ng barbie doll kanina sa bahay nila.
***
June 11, 2007
Dear Diary,
