That Professor Is My Husband
Prologue
“Girls, nakita niyo ba yung bagong professor? Ang gwapo!”
“Oo nga e, Grabe, ang pogi!”
“Nakita ko kanina! Sana maging professor natin yun kahit sa isang subject lang.”
Sino naman kaya ‘yun? Nakaka-curious naman.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad at hindi ko na pinansin ang usapan habang tinutungo ang classroom ko.
Tamang-tama, pagkapasok ko, di pa nagsisimula ang klase namin. Two weeks na rin akong college student, at medyo kilala ko na rin ang mga professor dito. Lahat naman sila ay approachable maliban na lang sa professor naming si Sir Alvarez na panot.
Dahil wala pa ang prof namin, I decided to get my sketchbook and draw things that came to mind.
After 10 minutes, dumating si Miss Valeria—isa sa mga subject teachers namin. Palaging nakabun ang buhok niya, she wears thick eyeglasses, and you will always recognize her by her ridiculous laugh. Alam niyo yung tawa ng isang mangkukulam? Gano’n yung tawa niya. But despite that, she’s the best teacher kahit minsan pinapaboran lang niya yung mga pogi at magaganda sa klase.
“Good morning!” bati niya sa amin, sabay ayos ng makapal niyang salamin.
“Good morning, Ma’am!” we all answered. Nakisabay rin ako, kahit nasa sketchbook pa rin ang mata ko.
“I want to say sorry, students, but Mr. Alvarez is not here, so it means di siya makakapagturo sa subject niya ngayon. Tumaas kasi ang dugo niya, kaya on leave muna siya ngayon.”
Siya ‘yung tinutukoy kong di approachable na professor dito. Well, pabor na pabor sa amin ‘yun. Sa two weeks ko dito, Sir Alvarez is such a grumpy old man—napakasungit, kaya no wonder walang tumutol ni isa sa kaklase ko. Sigurado akong masaya pa yang mga ‘yan.
“Pero students, may bagong teacher naman kayo. Siya muna ang papalit kay Mr. Alvarez for the meantime. Actually, nagtuturo siya sa ibang school, but he chose to volunteer here for now. Kaya be thankful and treat him well. Importante itong subject na ‘to.” Mahabang paliwanag ni Ma’am.
Now I get it. Hindi kasi kami makakapasa this semester kapag mababa ang exams namin sa subject na ‘to.
Habang nag-drawing ako, biglang nahulog ang pen ko. Aakmang kukunin ko ito nang sipain ng isa kong classmate ang upuan ko, at tiningnan ako na para bang sinasabing, “Humarap ka sa harap mo.”
Walang gana akong umiling at yumuko para kunin ang pen.
“Excuse me,” naiinis kong sambit sa may nakaapak ngayon sa pen ko. Hahawiin ko na sana ang sapatos niya nang may marealize ako.
This shoe looks familiar. Ako ang naglinis nito kanina umaga?
Imposibleng nandito siya, diba? Nasa ibang school ‘yun. Pero parang ito talaga ‘yung sapatos na ‘yun.
I gently looked up to the man wearing the familiar shoes. I met his cold blue eyes and emotionless face. Wala ako sa sariling napunta ang tingin ko sa matangos niyang ilong, at napalunok ako nang marating ng mata ko ang mapula niyang labi.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.