«NOEMI's POV»
Ilang minuto na ang lumipas nang lumabas si Akiro, nang pumasok sina Mom at Keira.
“Ate, okay kana ba? may masakit ba sayo? nagugutom kaba?” sunod-sunod na tanong ni Keira.
“Mejo okay na ako, Keira” sagot ko.
“Are you sure, baby?” tanong naman ni Mom.
“I'm okay, Mom” sagot ko.
Kinamusta nila ako at tinanong ng paulit- ulit kong anong masakit saakin, tinanong din nila kong anong ginawa nina Aduka at Akadi saakin.
“Don't worry, baby. Akiro will make them pay hmm, Sabi niya siya na ang bahala sa dalawang yun” sabi ni Mom habang hinahaplos ang buhok ko.
I know, di ko nga alam kong anong place yun na worst pa daw sa kulungan.
“Ate, basta pagaling ka! may kalalagyan yung dalawang yun! ” sabi naman ni Keira.
Sana nga ayoko ng makita pa sila ulit, n-natatakot ako. Di lang sa sarili ko kundi sa iba pang bibiktimahin nila.
Ilang minuto pa sila nina Mom at Keira na namalagi sa kwarto ko bago magpaalam.
Bakit kaya di ako dinalaw ni Ken?
Bumuntong hininga lang ako at pinikit ang mata ko. Sana bukas pagkagising ko, okay na lahat.
*KINAUMAGAHAN.
Naalimpungatan ako dahil sa naramdamang dampi sa noo ko, minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang bulto ni Ken na papalabas na sa Pinto.
“K-ken” paos na tawag ko.
Gulat siyang tumingin saakin di inaasahang magigising ako. Nakasuot lang siya ng puting V-neck na shirt at naka slacks, nakasabit ang coat niya sa kanang kamay niya. Mukhang papasok na siya sa school.
“M-mi, gising kana pala, kamusta pakiramdam mo?” tanong niya at umupo sa upuang nasa tabi ko.
Bakas ang pag aalala sa mga mata niya. Agad siyang umiwas ng tingin nang mapansin na nakatitig ako sa kanya.
“Mejo, okay narin ang pakiramdam ko, Papasok kana?” tanong ko.
“Oo, dinalaw lang kita dito naghatid din kasi ako ng damit ni Kei” sabi niya pero di tumitingin sa mata ko.
“Ken? may problema ba?” nagtatakang tanong ko.
“W-wala n-naman” mahinang sagot niya pero di parin tumitingin sa mga mata ko.
Inangat ko ang katawan ko at tinulungan niya din ako.
“Ken, ano ba talaga ang problema? sabihin mo na” seryosong sabi ko sa kanya.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
De TodoThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.