CHAPTER- 25

2.3K 93 3
                                    

«NOEMI's POV»

*KINABUKASAN
Maaga akong nagising kahit wala naman akong tulog kagabi. Bumangon ako at ginawa ang mga Morning Routines ko at ginawa ang mga iniwang gawain ni Lory nagplantsa, nagpunas at nagluto.

Tinakpan ko lang ang pagkain at inihatid ang uniform kay Akiro nakailang katok pa nga ako bago ako buksan ng Pinto kunot na kunot ang noo niya bago tinanggap ang uniform niya. Bumalik ako sa kwarto ko para magbihis ng uniform.

Pagkatapos magbihis bumaba ako bitbit ang bag ko,di ko nakita si Akiro na bumaba malamang ay nagbibihis pa yun o naliligo. Pagka abot ko kasi ng uniform sa kanya papungas pungas pa siya.

Di na ako kumain at dumeretso na ako sa kotse at sumakay, nagtaka pa si Manong Tesyong bat ang aga ko pero sinagot ko lang siya nang naninigoradong ngiti.

Pagkarating namin sa School ,agad-agad akong bumaba at napansin kong wala pa masyadong estudyante. Mukhang mas napaaga ako.

Agad kong tinungo ang classroom ko at umupo sa upuan ko dinukdok ko ang ulo sa mesa. Maya maya pa ay narinig ko na ang mga classmate kong papasok sa classroom namin.

Maya maya'y naramdaman ko na lang na may kumalabit saakin.

“Are you okay Noemi?” bahagya kong itinaas ang ulo at napagtanto kong ano bakas ang pag aalala sa mukha niya.

“Okay lang ako Vio” sabi ko at umayos ng upo.

“Sure kaba? namumutla ka kasi” tanong niya.

“I'm really fine” sabi ko at kunot noong sinilip ang likuran niya. “Sina Sy? wala pa?” tanong ko.

“Kasunod ko lang, may kinakausap pa silang boylet eh” sabi niya pasalampak na umupo sa tabi ko at pinatong ang paa sa upuan na nasa harap.

Kunot noo ko siyang pinagmamasdan, siguro naramdaman niyang tinitingnan ko siya kaya sumulyap sya saakin na may pagtatanong sa mata.

“W-what? ba't ganyan ka makatingin?” natatakang tanong niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinaningkitan siya ng mata, pinagmamasdan ang buong mukha niya at bawat galaw.

Nililihis niya ang tingin na siya namang hinuhuli ko. Hinuli ko ang tingin niya sa pamamagitan ng paghawak ng pisngi para maipermi ang mukha niya.

“Sabihin mo saakin Vio—”

“S-sabihin ang ano? pwede pakilayo yung mukha mo” utal utal na sabi niya at bahagya pang namumula ang tenga.

Di ako nakinig at nilapit parin ang mukha ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang tensyon niya pero pinipigilan niya lang.

“Sabihin mo saakin? Bakla ka ba talaga?” tanong ko na deretsong nakatingin sa mata niya.

Nakita ko ang bahagyang paglaki ng mata niya at pag awang ng mapupula niyang labi.

“P-pwedeng lumayo ka muna, di ako makahinga” sabi niya.

“Baket di ka makahinga may ilong ka diba? At kung bakla ka talaga di ka maapektohan kapag may ganto ka lapit na babae sayo” sabi ko.

That Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now