CHAPTER- 9 KEN'S FEELINGS

2.2K 71 0
                                    

«KEIRA's POV»

Kanina pa kami naka-alis kina Ate Noemi pero itong si Kuya wala paring imik dinaig pa yung broken hearted na lalaku sa pinapanood kung Kdrama. Akala mo pinagsakluban ng langit at lupa e 'no.

"Kuya! Okay ka lang ba?"tanong ko.

"Bakit mukha ba akong di okay?" sagot niya habang nagdi-drive.

"Kuya grabe no, pagkatapos ng debut ni Ate ikakasal na sya-

"Pwede bang wag natin yang pag-usapan ngayun Kei" sabay hampas ng manibela.

"Eh! inaano kaba? nagkukwento lang naman ako masyadong mainit ulo mo, ba ka tama nga kami ni Ate ba ka may mens. ka talaga!" sigaw ko.

"Pwede bang namahimik ka nalang muna Kei , pwede ba ha! ang daldal mo eh!" nagtitimping sagot niya.

Kaya ayun tumahimik na ako kung di ko lang kuya yan, sinabunutan ko na yan! Hanggang sa pag-uwi namin sa bahay wala parin syang imik. Nagulat na lang ako paglabas ko sa kwarto umiinom na sya.

"Woi! Kuya bat ka umiinom broken hearted kaba ha?" tanong ko.

"Baket broken hearted lang ba yung pwede uminom?" pabalik na tanong niya sabay tuga ng beer.

Iba din tong kuya ko eh no? namimilosopo kapag lasing.

"May sinabi ba ako?" pabalik na tanong at masama siyang tiningnaa.

Di na sya sumagot at tumuga na lang ulit ng alak. Sumulyap ako sa wallclock 12:42 na pala, tanghaling tapat umiinom eh 'no. Kung andito lang si Nanay aba lagot siya makakatikim sya ng bigwas. Iniwan ko na sya doon at umidlip.

Pagkagising ko 3:23 PM na mejo mahaba haba ang tulog ko ah. Pagkalabas ko ng pintuan nagulat akong umiinom parin si Kuya.

"Uyy! Kuya! Tama na yan! lasing kana!" sabay agaw ng bote sa kanya.

"B-ba—aatt..ganun KeiHuli na—ako, Kei.."

"Ano ba pinagsasabi mo Kuya!" naiinis na tanong ko habang inaalalayan sya papuntang kwarto niya agad ko syang nilapag doon kumuha ako ng basang bimpo at pinunasan ang mukha niya.

"P-plano— ko sanaaang —mag—tapat kay M-imi sad-ebut niya na gusto ko— siya—tapos—tapos...” sinabunutan niya ang sarili niya. ikakasal —na pala sya.

Nagulat naman ako sa narinig ko, kaya pala kanina nag walk out siya, kaya pala badmood sya kanina at walang imik gusto niya pala si Ate Noemi.. Habang pinupunasan ko ang mukha niya nagulat akong umiiyak na sya.. Kuya.

"G-gusto ko sya m-matagal n-na —hindi mahal ko na nga ata s-ya e.” sambit niya tila hirap na hiraps-simula ng b-bata pa tayo kaso-kaso wala lang ako.. akong l-lakass ng loob u-mamin kasi-k-kasi a-ayokong m-magbago ang t-turing niya s-sakinsa kan..ya ..ta..pos, kung saan may l-lakass ng loob wala na ako— akoong pagasa k-asalanan ko to kung sana.. naging m-maaaga lang ako.." sabi niya habang tumutulo parin ang luha.

That Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now