That Professor Is My Husband
Nasa labas ako ng mansyon namin ngayon, inaayos ang shoelace ko upang mag-jogging kasama ang aso kong si Tasha. Almost 3 years na rin akong nakatira dito kina Lolo. Si Lolo, ayun, may sakit pa rin siya, pero di naman namin siya pinapabayaan; alagang-alaga siya namin at minsan ako rin ang nag-aalaga sa kanya. 17 years old na ako at 1 week na lang ay debut ko na, and also, first year college na ako sa taong ito.
Habang nag-aayos ako, lumabas ang kotse ni Mommy sa harap ko sigurado sa office ang punta niyang iyon.
"Hey, Pretty! Take care ah! Uwi ka ng maaga!" sabi niya.
"Yes, Mom. Ikaw din." sagot ko sabay kaway.
Pagkatapos noon, tuluyan nang umalis si Mommy. Nakasanayan ko na siyang tawaging Mommy at minsan napagkakamalan ngang mag-ina talaga kami kasi hawig din kami. Di niya akong tinuring na pamangkin lamang kundi tinuring niya akong parang tunay niyang anak.
Pagkatapos kong ayusin ang sapatos ko, nagsimula na akong tumakbo. I was wearing a simple hoodie, fitted leggings, and white rubber shoes. Sa isang kamay ko ay hawak ko ang tali ni Tasha. Tasha is a Catalan Sheepdog, isang breed ng aso na galing din sa Spain.
Habang tumatakbo ako, nakaramdam ako ng uhaw medyo malayo na rin kasi ang mansyon dito kaya naisipan kong dumaan sa isang department store para bumili ng tubig at makakain na rin.
"Magandang umaga po, Ma'am Noemi, pero bawal po ang aso sa loob kaya pasensya na po," sabi ng isang guard.
"Saan ko po pedeng iwan tong aso ko? Wala bang pag-iiwanan dito?" tanong ko.
"Dito niyo na lang po iwan sa amin, Ma'am. Iitatali ko na lang po siya.. sabi niya at nilingon-lingon ang tingin kung saan itatali si Tasha.
"Saan po itatali?" tanong ko.
"Wala po akong makitang pagtatalian, Ma'am. Babantayan ko na lang po muna siya," sagot naman niya.
"Oh, sige po. Manong, pabantay na lang po." sabi ko.
"Sige, Ma'am! Pasok na kayo ako na ang bahala sa aso niyo," sagot niya.
Binigay ko naman si Tasha sa kanya at tuluyan nang pumasok sa loob ng store. Pagkapasok ko sa store, bumili agad ako ng tubig, energy drink, at iba pa nang may nakabangga ako.
"Sorry, miss," paumanhin niya sabay pulot ng mga pinamili na nahulog.
Habang pinupulot niya, yumuko din ako para tulungan siya. Pagkatapos noon, sabay kaming tumayo at nagkasalubong ang tingin namin.
Makakapal na kilay, makinis na mukha, matangos na ilong, chocolate brown na mga mata, at mapupulang labi. Saglit din kaming nagtitigan.
"C'mon Hiro, we're going to be late," sigaw ng isang baritonong boses na nasa pagkakadinig ko ay nasa labas na.
"Again, sorry miss! See you next time. By the way, I'm Hiro and you are?" tanong niya sabay lahad ng kamay.
"I'm Noemi," alanganing sagot ko at tinanggap ang kamay niya.
"Nice name! Bye, Noemi!! Take care!!" sabi niya sabay takbo sa labas.
Sumunod naman ako para magbayad sa counter. Nasa entrance pa sila kaya sumilip-silip pa ako.
"What takes you so long, Hiro?" tanong ng isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay yun ang tumawag sa kanya.
"Sorry, Kuya! I just helped a girl I accidentally bumped into."
"Is that so? Then let's go."
Di na ako nakinig pa dahil natapos nang i-count ang pinamili ko. Pagkatapos kung magbayad, lumabas na ako at naabutan ko ang guard kanina na pinag-iwanan ko kay Tasha na humahangos.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
عشوائيThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.