CHAPTER- 2

3.3K 85 0
                                    

That Professor Is My Husband

"Your abuelo wants to meet you as soon as possible. He's your grandfather, your mom's dad. He will give you enough time to ready yourself to meet him.” Akmang tatalikod na sana ito ng may kinuha siya sa bulsa at binigay sa akin.

There’s a brown envelope with cash in it. Di ko sana kukunin, kaso nagpumilit siya.

“Take that, it’s for you.” Tiningnan niya ang palibot ng bahay namin at inayos ang salamin niya. “I can't believe na sa ganitong bahay ka nakatira, but hope that small amount can help. We will fetch you if you're ready. Nos Vemos De Nuevo.” See you again, paalam niya sabay talikod.

Sumunod naman ang mga tauhan nito at sumakay sa galanti nilang sasakyan.

Isinara ko ang pintuan at binuksan ang envelope. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang laman nun. Small amount? Small amount pa ba to?

“Ate Noemi, ano yan?” sigaw ni Keira nang makita kung ano ang hawak ko ngayon.

“Kei, ba't ka sumisigaw? Ano yan?” tanong niya at nagugulat, napatingin sa akin. “Teka, pera yan ah,” sabi niya sabay sipat ng hawak ko. “Pero ba't ang dami naman nyan? Saan galing yan?"

“Doon sa manong kanina sa labas, gusto daw ako ma-meet ng lolo ko, ang tatay daw ni Mama. Tapos biglang binigay to, tulong daw.” Sagot ko. “Sabi niya, small amount daw pero ba't ganto?” Napanguso ako.

“Naniwala ka naman?" naniningkit na tanong ni Ken.

Napabuntong hininga ako. “Ewan ko Ken, alam niya full name ng Mama ko, kaya baka nga totoo. Sabi niya, bibigyan daw niya ako ng oras para maghanda na ma-meet yung lolo ko. Atsaka nong nagkukwento si Mama ay nababanggit niya rin naman si Lolo," nag-iisip ko namang sagot.

“Teka ate? Gets mo yung ibang pinagsasabi niya kanina? Ako, hindi eh!" sabi naman ni Keira sabay kamot ng batok.

“Oo Keira, nakakaintindi ako kasi minsan si Mama, nagsasalita siya ng Spanish words sa bahay dati, kaya familiar na sakin ang language na yun. Mga basic words lang naman yun at saktong alam ko din," sagot ko naman.

Minsan kasi nadudulas si Mama kapag kausap ako. Tuwing nagsasabi siya ng mga ganoong salita, tinatanong ko siya kung ano yun. Kaya nakasanayan ko na rin minsan na intindihin ang sinasabi niya tuwing nadudulas siya.

“Ate, andami naman ng pera na yan. Ano gagawin natin jan bukod sa pagbili ng paninda natin?" tanong ni Keira, di alam ang gagawin.

“Ewan." Ikling sagot ko.

First time lang kasi naming nakahawak ng pera. Bente mil ata yun. Di naman kami mahilig sa materyal na bagay kaya di namin alam kung ano gagawin doon.

“Ibibili natin ng paninda ang iba at bibili rin tayo ng mga bagong damit at gamit dito," sabi ni Ken habang nagkakamot sa ulo. “Yung iba, itago na muna sakaling kailanganin natin.”

Kaya noong araw din na yun, bumili kami ng maraming paninda at damit namin. Ang saya namin kasi napuno ng paninda yung maliit na tindahan namin at nakakakain na kami ng masarap na ulam.

Hanggang sa isang araw, ay sinundo na ako ni Manong.

“Ate Noemi, balik ka. Balikan mo kami ha! Mamimiss kita, ate," paalam ni Keira sabay yakap sa akin.

“Ano kaba Keira? Babalik ako,” sagot ko sabay yakap din sa kanya pabalik.

“Ingat ka, mi. Pagbalik mo, andito parin kami ni Kei." Paalam ni Ken sabay halik sa noo ko.

Nagyakapan kami bago ako sumakay sa kotse.

Sobrang emosyonal ako kasi ilang taon ko narin silang kasama. Parang magkakapatid narin kaming tatlo e. Kaya masakit sakin na iwan sila kahit sandali. Naging sandalan namin ang isa't isa simula noong kami-kami na lang ang magkakasama sa buhay. Sobrang mamimiss ko sila.

That Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now