«NOEMI's POV»
KINAGABIHAN...
Nasa kwarto parin ako at iniisip ang huling simabi ni Vio saaken.
"I know him, better than you"
So? magkakilala sila ni Akiro? Paano? Kailan? Saan? Baket?
Baket ko nga ba pinoproblema to? Haystt...
Napahinto ako sa pag iisip ng kumatok i Lory.
"Ma'am baba na po, kakain na" sigaw niya mula sa labas.
Agad naman akong lumabas at tinungo ang hapag malas ko lang kaharap ko na naman tong mayabang to. Inirapan ko siya ng palihim at nagsimula ng sumandok.
Woah! peyborit kong dinuguan is hereee!!!
Habang sumasandok ako napapansin kong nakatingin lang sya sakin, kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"Tinitingin tingin mo?" masungit kong tanong.
Di siya sumagot bagkus ngumisi lang at nagsandok na din.
Di niya ba talaga makalimutan yung nangyare kahapon piste!
Pagkatapos namin kumain umupo ako sa sofa para magpahinga, siya naman naka pandikwatrong pang lalake sa kabilang dulo ng sofa at may binabasa.
Naka pantulog sya, itim na pares ng pantulog na may mga design na mga buwan. Naka specs din siya habang nagbabasa.
Bat ang kyut niya tingnan sa damit na yan.
Tahimik ko lang syang pinagmamasadan ng magsalita siya.
"Stop staring, i might think that you're...." pambibitin na saad niya habang nasa papel parin nakatuon ang mata.
"Na ano? pinagnanashan kita? In your dreams!" singhal ko sa kanya.
"I didn't say anything, it came from you" sabi niya sabay tingin sakin.
Baket ko nga ba sinabi yun! Haystt...
Inirapan ko lang siya at padabog na tumayo at tinungo ang kwarto ko.
Ilang oras na akong naka talukbong dito at pinipilit na matulog pero di talaga ako dinadalaw ng antok, kaya napagpasyahan ko na lang manood ng Kdrama.
Di nagtagal nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba muna ako para uminom ng tubig.
Pagkababa ko patay na lahat ng ilaw maliban sa mga ilaw sa labas.
Akma akong iinom ng tubig ng may napansin akong parang may humahalungkay sa kusina.
Nanginginig kong in-on ang switch...
"Wahhhhhhh!!!!" sigaw ko.
"Ay! anakan mo ko!" gulat sigaw ni Lory.
"Piste ka Lory! Nakakagulat ka!" singhal ko sabay hawak sa dibdib ko.
E sino bang hindi magugulat, naka daster syang puti tapos may pa mask pa sa mukha! Kinabog pa ako sa pag iiskin care!
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.