That Professor Is My Husband
Sabi nga nila, masaya na makasama yung taong komportable ka, yung mga taong handa kang pakinggan sa problema mo. Yung mga taong nasa tabi sa oras na nahihirapan ka, andiyan para tulungan ka, at hinding-hindi aalis sa tabi mo hanggang sa maging okay ka.
Doon ko na mapagtanto na marami na kaming problema nina Ken at Keira na pinagdaanan. Mula noong iwan ako ni Mama, namatay si Tita Yssabelle, at namuhay kaming kami lang, hanggang sa matagpuan ako ng Lolo ko. Andito pa rin sila; di pa rin nila ako iniiwan. Pangako ko, hinding-hindi ko sila iiwan katulad ng ginawa nila sa akin.
Pagka-uwi ko sa bahay, sinulyapan ko ang relo ko. It’s already 5:50 PM.
Grabe, napasarap ang pakikipagkwentuhan ko.
Agad akong umakyat sa kwarto upang mapaghanda. Naligo ako at nagbihis; pinili kong magsuot ng simpleng red dress above the knee at 2-inch na sandal. Naglagay lang din ako ng konting pulbo at liptint.
It’s already 6:49 PM nang matapos kong ayusan ang sarili ko. Kailangan ko din maging presentable sa kaibigan slash business partner ng Lolo ko.
Pagkalabas ko ng kwarto, bumungad si Arnaldo. Sinenyasan ko siyang maghintay muna.
Pumasok ako sa kwarto ni Lolo para magpaalam na aalis na ako, pero mukhang mahimbing na ang tulog nito. Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ng kwarto. Dali-dali akong bumaba sa hagdan habang inaalalayan ni Arnaldo at inalalayan din ako pasakay sa kotse. Habang nasa biyahe, nagtanong ako.
“Arnaldo? Saan nga po pala kami magdidinner?” tanong ko habang naglalagay ng seatbelt.
“Sa hotel na pagmamay-ari ng mga Moshizuki, Señorita.” Magalang na sagot niya sabay sulyap sa akin.
“Moshizuki po pala ang apelyido ni Lolo Ayoshi,” patango-tango kong sabi.
“Yeah, Señorita, pero ang nag-iisang anak na babae ni Don Ayoshi ay napangasawa ng may lahing Italyano. Yung asawa ng anak niyang yun ang nagmamay-ari ng mga hotel na sinu-suplyan natin ng mga alak,” paliwanag niya.
“Di ko po maintindihan. Diba si Lolo Ayoshi ang business partner ni Lolo? Paano nangyari na yung hotels pala na sinu-supplyan natin e sa husband pala ng anak niya? Nag-merge sila?” nagtatakang tanong ko.
“Yes, nang maikasal ang anak ni Don Ayoshi sa panganay na anak ng mga Cazzaro, nag-merge na ang company at businesses nila.”
I heard a lot about sa family ng Cazzaro. They are one of the famous and richest families living in Italy, and hinding-hindi matatanggal ang family name na yun sa bawat business magazine na mababasa ko.
Bakit ngayon ko lang nalaman na Cazzaro pala ang business partner namin? I can't believe this! You know why? I’ve been idolizing the CEO of Cazzaro Enterprise, and he’s Mr. Sirius Sent Cazzaro. He’s my role model. I want our company and business to be as successful as them.
“Yung napangasawa ba ng anak ni Lolo Ayoshi si Mr. Sirius Sent Cazzaro?” excited na tanong ko.
“Yes, Señorita, siya nga,” patango-tango sagot ni Arnaldo at bahagyang ngumiti.
“Talaga?” masiglang tanong ko, at pumalakpak na siyang nagpatawa sa kanya. “Andoon din kaya siya mamaya sa dinner?” excited na tanong ko.
“Sa pagkakaalam ko, andoon nga siya.”
“Can’t wait to see him!”
“Idolizing that much, Señorita? Hmm... someday, he will not just be your idol anymore he will be your…” diretsong nakatingin sa kalsada at sinadyang binitin ang sinasabi.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.