«NOEMI's POV»
*KINAUMAGAHAN
Maaga akong nagising ewan ko kung baket, nakasanayan ko lang siguro. Nag inat ako ng katawan at dumeresto sa CR para maghilamos at mag toothbrush. Pagkalabas ko sa CR binalingan ko ng tingin si Keira na nakabaluktot matulog, inayos ko ang comforter para di siya lamigin at lumabas na.
Pagkalabas ko sinulyapan ko ang orasan, 4AM pa lang. Gising na kaya siya? Nagluto na siya? Nagplantsa naba siya ng uniform niya?
Bumuntong hininga ako bago tinungo ang kusina. Nakita ko si Manang na nag-iinit ng tubig. Nagulat pa ito ng bahagya nang makita ako.“Good Morning, Manang”
“Magandang Umaga Ija, ang aga mo naman alas quatro pa lang ah”
“Nakasanayan lang, Manang, mejo mas maaga pa nga akong gumigising noong nasa bahay pa ako” bahay namin.
“Ah ganun ba, yung dalawa kasi minsan mga alas singko na gumising, lalo na yang si Kei kung di mo pa gigisingin di pa gigising.”
“Ganyan na talaga yan noong mga bata pa kami, Manang.” natatawang sabi ko.
Kumuha ako ng tasa at naglagay ng gatas roon.
“Diba may asawa kana ija?” tanong ni Manang habang naglalagay ng mainit na tubig sa thermos.
Mejo nagulat pa ako bago magsalita.
“O-opo Manang” nakayukong sagot ko.
“Nagulat ba kita ija? Nabanggit kasi ni Kei, alam mo namang madaldal ang batang iyon” sabi ni Manang.
“Kamusta naman pagsasama niyo? ang sinabi ni Kei saakin ay pinagkasundo lang kayo” dagdag niya pa.
“Ayos naman Manang, ito sumusubok na maging mabuting asawa sa kanya”
“Alam ko ija mahirap to para sayo bata ka pa para mag asawa, talagang mahihirapan ka”
“O-okay lang naman po, kahit mahirap”
“Alam ko nahihirapan ka, di niyo ginusto iyang sitwasyon niyo, di biro magpakasal ija”
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.