CHAPTER- 36

2.3K 98 16
                                    

“I will keep this secret until the day comes when I am ready to tell it.”

«NOEMI's POV»

*KINABUKASAN.

Maaga akong nagising at naghanda ngayung araw. Papasok na ulit ako sa eskwelahan pagkatapos ng apat na araw na pahinga ko.

Na catch up ko narin naman ang mga lessons na namissed ko sa subject ni Akiro. Thanks to him.

Suot-suot ko yung uniform ko habang nasa harap ng salamin. Namiss ko pumasok sa school, namiss ko si Sir Alexious at sina Sy.

Inayos ko bahagya ang buhok ko na nakatabing sa mukha ko bago tumalikod at kinuha ang bag ko. Nang makuntento ay napagpasiyahan ko ng lumabas.

Agad ko naman nakita si Akiro nakasuot ng usual niyang uniform, nakasuklay ang buhok. At pandikwartong panlalaki, mukhang tila inip na inip na. Hinihintay niya ba ako?

Dahan dahan akong bumaba sa hagdan, hindi pa ako nakakaapak sa unang baitang ng hagdan pero agad na tumapat saakin ang matalas na mata ni Akiro. Nang makababa ako tahimik akong umupo sa upuan katapat kung saan mismo si Akiro nakapwesto.

“I waited for you for almost 30 minutes, why did you take so long?” tila naiinis niyang ani at sumimsim ng kape.

Sumimangot ako. “Girly things.” sabi ko at tumusok ng hotdog. “Di ko naman kasi sinabi na hintayin mo ko, pwede ka naman na mauna ah.”

Sa apat na araw naming pagsasama sa Hospital ay nakakausap ko narin siya ng maayos.

Bahagya siyang ngumuso. “But I want to wait for you e.” sabay subo ng ham.

Nanlaki ang mata ko at naibuga ko ang hotdog na kinakain ko sa narinig ko.

Did he just say “e”?

“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya sabay abot ng tubig sakin.

Napakurap-kurap naman ako at tinanggap ang tubig. Bakit ang cute niya, siya ba talaga si Akiro.

Tiningnan ko ang kabuohan niya.Baka may sakit siya o baka naman may nakain siya.

“What?”

“Okay ka lang ba? may lagnat ka? masakit ulo mo?” sunod-sunod kong tanong.

“Na-ah, I'm perfectly fine, why?” masungit niyang tanong.

Baka guni-guni ko lang yun?

Umiling lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Sa ilang minuto namin na pagkain ay walang tigil siya sa pagsulyap-sulyap sakin. Kaya di ko maiwasan mailang.

Nang matapos kaming kumain nauna na ako sa kotse at doon ako umupo sa backset. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumasok na si Akiro sa kotse na para bang isang hari. Sunod sunod akong napalunok ng tingnan niya ako sa mata.

That Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now