“ The day I never expected to happen.”
******
«NOEMI's POV»
Pagkatapos ng araw na yun sa Resort hindi kami nagpansinan ni Ken. At sa mga nakalipas na araw na siyang ipinagtaka naman ni Keira. Kaya ayun gumawa siya ng paraan para magkaayos kami. At dahil don nagkaayos nga kami nagsorry sa isa't isa sa mga maling inasal sa araw na yun, sabi niya pa:
"Alam mo Noemi na wala akong sasantohin kahit sino kung may mananakit sayo. "
Nagsorry na naman ako sa kanya, syempre nadala lang ako ng gulat at emosyon kaya ganun.
*1 WEEK LATER
And its been 1 week na at lahat ng tao sa bahay busy na busy. Nasukatan na lahat para sa susuotin na damit pati ang wedding gown, venue at reception, okay na din.
Marbella Beach sa Barcelona, Spain ang Venue ng kasal namin.
And first ko time ko lang
makakapunta doon at first time ko din makakasakay ng Eroplano.Di talaga ito ang dream wedding ko. Syempre ikaw ba naman ipatawag sa isang dinner at sa sasabihin na pagkatapos ng debut e ikakasal kana at ang masama pa doon wala sa choices ang humindi.
Sa tamang edad at kapag okay na lahat. May magandang trabaho na ako, gusto kong pakasalan ang lalaking mahal na mahal ko at mahal na mahal rin ako sabay kaming maglalakad sa altar at mangangakong mamahalin ang isa't isa habang buhay.
Pero ito ang nangyari sakin. Eighteen lang ako at kailangan magpakasal sa ngalan ng negosyo. Pero wala na naman akong magagawa ito na yun eh.
Ngayun na ang biyahe namin papuntang Spain, nauna nadoon ang pamilya nina Akiro kahapon pa, at kami nina Mom, Lolo Keira at Ken susunod na lang. Mas pinili ni Lolo na sumakay na lang kami sa Private plane niya para bawas hustle daw.
Pagkarating namin sa Spain naging busy pa din kami sa paghahanda ng lahat at dumating na nga ang oras na pinakahihintay....
Yung oras at araw na hindi ko inaasahang mangyayari saakin.
"Ate ang ganda mo! Parang prinsessa!" Kita ang pagmangha sa mukha ni Keira at pinasadahan ang suot ko ng tingin.
Isang magarbong Wedding Gown na na maraming beads at pearls. It's like my balloon dress na sinuot ko noong debut but this is more elegant. My straight hair is now wavy with a flower pin on each side. They took too much time to make up me they want me to look mature. Pinasuot din nila ako ng 3 inch pumps para madagdagan ang tangkad. I'm only 5'4.
"Ikaw din naman ah." pabalik na sabi ko pilit na tinatago ang kaba na nararamdaman.
“Di ako makapaniwala ate!” sabay yugyog saakin. “ Ikakasal kana ba talaga? ha! kung panaginip lang to! pakigising ako!" madramang sabi niya.
“Totoo to! sa sobrang totoo gusto ko ng umalis dito!" singhal ko.
Nagkulitan pa kami ni Keira hanggang sa magsimula na ang seremonya.
Naglalakad ako kasama si Mom napapalibutan kami ng maraming bulaklak at nagsisipaklakang tao. Umihip ang sariwang hangin na siyang mula sa dagat. Tiningnan ko ang nasa harap at nakita ko ang lalaking seryosong nakatitig saakin. Naghihintay na marating ko siya.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.