«NOEMI's POV»
“Sabihin mo na, Dia.” atat na ani ni Cj.
Paano ko ba sasabihin to? Sasabihin ko nga ba ang totoo?
“Wag mo lang talaga sabihin na asawa mo siya ha! Nakoo! talaga, Dia!” bulong ni Cj na nakapagpagulat sakin.
Napansin niya naman yun kaya napatakip siya ng bibig. At nanlalaking mata akong tinitigan.
“Soooo?! totoo nga a-asawa mo siya?”
Mahinang bulalas niya kaya nadinig nila ni Sy at Eurika.
“Omemji, Dia?! Are you freaking kidding me?! H-he's your what?”_mahina din na bulalas ni Eurika.
“Dia? t-totoo?” nagugulat na tanong ni Sy.
Lumunok muna ako ng sunod-sunod at tumikhim. “H-Hindi ko siya a-asawa no!” pag d-deny ko. “A-ano ko s-siya....”
“Dia, c'mon tell us. Mapagkakatiwalaan mo kami.” sinsirong ani ni Sy.
Sunod-sunod naman na tumango ang dalawa at mas dinikit ang ulo sa noo ko. Na para bang excited na excited sila sa maririnig.
Pumikit ako ng mariin. “Si sir ano...” tumingin sila sakin. “K-kuya k-ko s-siya!” di sila makapaniwala na nakatingin saakin. “Oo, ganun nga! kuya ko s-sir.” pag uulit ko.
Kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Sa salitang kusang lumabas sa bibig ko. Nagsinungaling ako.
“K-kuya mo si S-sir? Weee?! di nga?” di makapaniwalang ani ni Cj kaya kinabahan naman ako doon pero tumango parin ako.
“Kaya pala!” nagsususpitsa niyang tingin sakin. “Maganda at gwapo kayo! Pwede mo ba ako ilakad kay sir? Siguro okay lang naman sayo na ako sister in law mo.” malanding ani ni Cj sabay hagikhik.
“I can't believe this, kaya pala he always want you on his office!” tulala na ani ni Euri.
“Ako din, di parin ako makapaniwala, Dia.” ani ni Sy.
“S-sorry kung di ko nasabi inyo n-natatakot talaga lang ako.”
“It's okay, Dia. We understand pero just promise this one to us.” sabi ni Euri.
“Just promise to us that no secret please.” dagdag niya.
“Di naman kami namimilit na sabihin mo agad ang sekreto mo samin pero we will wait maghihintay kami ng oras kung saan ready kana sabihin samin. Pero kung something personal na yan, we will understand.” seryoso na ani ni Cj.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.