CHAPTER- 10 NOEMI'S DEBUT Ⅰ

2.2K 85 4
                                    

“Important day that make's my life change.”

*4 Days Later ..

«NOEMI's POV»

Debut, araw na importanti sa buhay ng isang babae. Sa talambuhay mo isang araw lang magaganap to. At sa araw na to nasa legal ka ng edad kung saan pwede mo ng gawin ang gusto mo. Na hindi mo nagagawa noong bata kapa, hindi naman lahat na para bang aabot sa puntong gagawa ka ng masama o ano.

Gawin mo yung mga bagay na alam mong tama at LEGAL nga hindi ba?

Hindi ko pinangarap dati na mag debut ng eng-grande. Dati pag nag b-birthday kami ni Keira at Ken simpleng pansit, tinapay at juice lang ang handa namin, minsan wala nga e pero nagsisimba na lang kami sa malapit na simbahan para magpasalamat.

Kahit na simple o wala ka mang handa  madadagdagan parin ang edad mo. Ang importanti magpasalamat ka sa dios dahil binigyan ka niya ng panibagong taon para mabuhay.

Ito yung araw na hinihintay ko. Yes, nasa legal age na ako pwede na ako mag bar at gumala. Pero ang masama nga lang ito rin ang araw na hinihintay nila para maipakasal ako.

Sa isang private resort namin napili ni Mom na idiwang ito. Purple yung theme ng debut ko since Purple ang favorite ko. At masasabi kong Eng-grande nga ang hinanda ni Mommy.

Kasalukuyan akong nasa dressing room. Wearing a purple off shoulder Balloon dress malaki siyang but yet magaan lang  pinasadya talaga to ni Mom para maging komportable daw ako.

Hihintayin ko lang ang que at handa na ako para lumabas. Walang pinasok na ibang guest dito sa dressing room maliban kay mom kahit sila ni Keira di pinapasok dito. Ewan, ko bawal daw ako makita para masurprise daw yung mga guest. Kahit kailan talaga si Mom!

Yung mga inimbitahan na panauhin ni Mom sa debut ko some mga High School Classmates ko at yung iba mga Stock Holders.

Yung ibang makakasayaw ko sa 18 roses ay mga pamangkin o anak din ng mga stock holders namin. Actually kilala ko naman sila di ko lang ka ka-close, yung iba nag try pa akong ligawan. Pero wala akong sinagot o pinayagan manligaw.

Bumalik  sa realidad ang iniisip ko ng pumasok si Mom.

"Woah! Baby! your so pretty!" pukaw niya sabay halik sa pisngi ko.

"Thanks M..maliit na bagay." mayabang ba sabi ko.

"Be nice huh? isa sa mga 18 roses mo si Akiro and of course your crush.” sabi niya sabay taas baba ng kilay. “Who's that again? Kiro?”

“Hiro, mom.” sabi ko sabay buntong hininga. Okay mom, pipilitin kong maging nice sa kanya, baka nga siya ang di maging nice e.” nakanguso kong pahayag. “And mom stop teasing me! di ko na crush si Hiro may Girlfriend na siya.” nakasimangot na sabi ko.

"Aww! Okay lang yan baby, you have Akiro naman e."pang aasar niya" Bye baby, be ready lalabas kana maya-maya." sabi niya sabay alis.

Ilang minuto din akong naghintay dito bago ako tawagin ng announcer. Lumabas ako stage at nagsipalakpakan ang mga tao kitang kita ko kung gaano sila karami.

Nakita ko si Keira kasama si Ken na nakatayo sa harapan katabi nila si Lolo Yoshi at Lolo ko na naka wheelchair.

Keira is wearing purple backless dress with white belt on it, she wear light make up. Naka side braide ang buhok niya at may purple ribbon yun. She looks so mature, parang di siya ang Keira na childish na kilala ko.

That Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now