That Professor Is My Husband
Papunta ako ngayon sa rest house namin sa Bulacan. Naka-simple jumper short ako na pinairan ng oversized white shirt at white sneakers. Naisipan kong dumaan sa mall para bumili ng pasalubong kina Ken at Keira.
Sigurado akong dadada na naman si Keira kapag wala akong dalang pasalubong doon. Si Keira ay 15 years old na at mahilig sa mga dress, sandals, at bags; may mga koleksyon siya noon. Minsan pinapagalitan na ni Ken dahil ang allowance niya ay pinambibili niya lang ng mga ito.
Pumunta ako sa isang boutique para bumili ng dress. Binili ko lang ang isang simple na off-shoulder floral dress at pumunta sa men's section. Di naman masyadong mahilig sa damit si Ken, pero bibilhan ko pa rin siya. Hehehe! Never pa siyang humindi sa akin, ang bugnutin na yun.
Pagkatapos kong mamili, dumaan ako sa isang fast food para mag-takeout ng mga pagkain matakaw pa naman si Keira.
Palabas na ako ng fast food nang may nakabangga na naman ako. Buti di nahulog yung takeout ko!
“I'm sorry, miss— Noemi?” anas niya. “Noemi, right? Hiro, remember me sa department store?" sunod-sunod na tanong niya sabay turo sa sarili.
Lumaki naman ang mata ko nang napagtanto. Siya yung nakabangga ko doon yung may supladong kapatid.
"Ay hello po, Hiro! Ikaw pala yan,” nahihiya kong ani. "
"We always seem to crash whenever we meet,"sabi niya at bahagyang tumawa kita ko tuloy ang mapuputi at pantay niyang ngipin.
Di talaga mapagkakaila ang pogi niya ang bait pa.
"Oo nga eh." nahihiya kong sambit.
"I think we're meant to be."
"Nagkataon lang ata" awkward kong sabi, sabay yuko feeling ko tuloy namumula ako.
Magsasalita na sana siya nang biglang nag-ring ang phone niya.
"Excuse, Noemi. Hello, Yes, I got it. Okay, I'm on my way na, Kuya."
Binaba niya ang phone niya at humarap sa akin.
""Bye, Noemi! They’re looking for me! I would have loved to talk to you longer. Can I have your phone number, by the way?" tanong niya sabay kamot sa batok na ikinagulat ko naman.
"My phone number?" tanong ko sabay turo sa sarili.
"Yeah, your phone number so I can call you when I have free time, and we can go to the mall, eat you know. My treat."sagot niya naman.
Iniabot niya ang phone niya sa akin at tinype ko ang number ko.
"Thanks, Noemi! See you next time. I have to go, bye." sabi niya sabay takbo.
Habang ako, pinapanood ko lang siyang tumatakbo palayo. Napahawak naman ako sa pisngi ko na alam ko kanina pa nag iinit.
Dala ko ang kotse ko ngayon kasi nga naisipan kong mamili. Ang hirap mag-commute ngayon. Although ayaw talaga ni Mom na mag-commute ako kasi baka mapano raw ako, pero dahil minsan suwail ako, nag-co-commute pa rin ako paminsan-minsan.
Isang oras din ang ginugol ko sa pagdi-drive bago nakarating sa rest house namin. Bumaba ako sa kotse at kinuha ang pinamili ko sa likod. Pagpasok ko, tumambad sa akin si Keira na nanonood ng TV. Agad naman siyang napalingon nang mapansin ako.
"Ate Noemi! Napadalaw ka! At wow! May pasalubong pa!" bulalas niya sabay yakap sa akin.
Di pa rin siya nagbabago she's still energetic. Minsan di ako nakakasabay sa mga trip nito.
"Oo naman, baka sabihin mong kinalimutan kita." sabi ko kaya sabay naman kaming tumawa.
"Ikaw talaga, ate! Kilalang-kilala mo ako!" pinalo niya ng bahagya ang braso ko. Napangiwi naman ako dahil may kalakasan yun.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.