CHAPTER- 11 NOEMI'S DEBUT Ⅱ

2K 77 1
                                    

«NOEMI's POV»

Pagkatapos akong bitawan ng  lalaking yun ang sumunod kong makakasayaw ay si Hiro.

Lumapit siya ng nakangiti saakin at inabot ang rosas na para bang isang prinsepi.

Bahagya akong nahiya at nag iwas ng tingin.

"Happy Birthday, Bella. " bati niya sakin.

"Thank you, pero Noemi ang pangalan ko hindi bella." parang tangang sabi ko.

Tumawa siya at nakangiti akong tinitigan. Nagulat ako ng hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya at bumulong..

"It means beautiful in Italian."

"Ahh." yun lang ang lumabas sa bibig ko feeling ko lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko.

"So? How's with you and Kuya?" tanong niya habang marahan kaming sumasayaw.

"Baby..I'm dancing in the dark, with you between my arms♪"

"Ininis niya lang naman ako kanina.. akala mo kung sino.” nakasimangot na sabi ko sabay sulyap sa kanya na prenteng nakaupo sa harap.

Nagulat ako bahagya ng salubongin niya ang tingin ko at tinaasan ako ng kilay kaya napaiwas din agad ako. Aba't maattitude!

Sorry for that hobby niya yun eh, kahit wala naman siyang ginagawa still nakakainis siya, right?” tanong niya sabay tawa.

"Pati ba naman ikaw pagtatawanan mo ko?" nagtatampong sabi ko.

"Aww..sorry..You're so cute."

Napaiwas naman ako ng tingin.

"♪Barefoot on the grass, Listening to our favorite song♪"

Di ko ma imagine ang sarili ko kasama ang Kuya mo sa iisang bahay" pag-iiba ko ng usapan.

"Then i-imagine mo na..after this. I s-schedule na ang wedding niyo. " sabi niya may tono ng pang aasar.

Hiro is approachable, masayahin siya kaya madali talagang mahulog ang loob mo sa kanya. Nakikita ko tuloy si Keira sa kanya.

"Oo nga eh, Kung di lang talaga dahil kay Lolo di ako papayag magpakasal." bulong ko at bumuntong hininga.

"Kung ako ba ikakasal sayo, Papayag kaba?" seryosong tanong niya na bahagyang kinagulat ko.

"♪When i saw in that dress looking so beautiful ♪"

Di naman agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Nevermind..Wag na natin yan pag- usapan..Its your birthday you are supposed to enjoy this." putol niya sakin.

That Professor Is My HusbandWhere stories live. Discover now