«NOEMI's POV»
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa Classroom buti di pa nagsisimula ang klase. Agad kong tinungo ang upuan ko at pasalampak na naupo hanggang sa may kumalabit saakin.
"Dia? baket ka hiniram ni Sir?" tanong ni Cj.
Dapat ko bang sabihin? Bahala na.
"May pinaayos lang" walang modong sagot ko.
"Napapadalas ang pag papaayos ni Sir sayo ah! Ahemm" sarkastikong sabi ni Cj.
"Pinakain ka ba ni Sir ng Breakfast Dia?" tanong naman ni Sy.
"Oo" sagot ko.
"Are you okay Dia? Your eye is so red, did you cry?" nagtatakang tanong ni Euri.
Halata ba talagang galing ako sa iyak?
"A-amm..Napuwing lang ako" sabi ko sabay yuko.
"Are you sure?" nag aalalang tanong ni Euri.
Tumango lang ako at ngumiti ng pilit, napansin kong tahimik si Vio.
Maya maya'y dumating si Akiro bitbit ang mga libro niya. Umupo siya at nagsimula ng magcheck ng Attendance.
Nang matapos siyang mag check ng Attendance nagsimula na siyang mag discuss ng lesson. Tuwing magtatama ang paningin namin agad akong iiwas.
Natapos ang klase namin sa kanya ng matiwasay at hindi niya ako natatanong, pabor yun saakin pagkatapos ng sinabi niya sakin kanina, ayoko siyang makausap.
Nang mag lunch di ako pumunta sa office niya may inutusan pa siyang student para papuntahin ako doon ,pero di ako pumunta ayoko siyang kasabay at ayoko siyang makausap.
Ayoko ng mahusgahan, Oo, lumalaban ako sa mga humuhusga saakin pero masakit pa din.
"Dia, kumain ka gurl! Ni hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo" sabi ni Cj di tulad dati na tunog biro ngayun parang nag aalala na siya.
"Dia, sabihin mo saamin, What happened?" tanong ni Sy.
"Dia, We're friends here, mind telling us please, We're so worried almost 1 hour ka ng di nagsasalita please" nagmamakaawang sabi ni Euri.
Ramdam ko ang sakit ng mga pinagsasabi nila kasama na yung mga sinabi saakin ni Akiro.
"W-wala lang t-talaga to, mejo masama lang ang pakiramdam ko, don't worry" pagsisinungaling ko.
Mukhang di pa sila kumbinsido kaya nginitian ko sila. Nang matapos kaming kumain agad kaming pumasok para sa Next Period namin.
Kasalukuyan akong nasa labas ng gate para hintayin si Manong Tesyong nang makita ko ang Kotse ni Ken na huminto sa harap ko.
"Mi! tawag niya nang maibaba niya ang bintana ng Kotse.
Naka-uniform pa siya at may suot pa na specs, napansin ko din si Keira sa likod mukhang tulog.
"Ken!" tawag ko.
Agad siyang bumaba sa kotse niya at niyakap ko siya.
"Namiss kita Ken! Kayo ni Keira!" sabi ko habang nakayakap parin sa kanya.
YOU ARE READING
That Professor Is My Husband
RandomThat ruthless and cold man was her husband. ©SHAANEEPP NOTE: UNDER REVISION EXPECT SOME TYPO'S AND GRAMMATICAL ERRORS.