Jak's POV:
8:00 a.m.
Pinatay ko ang alarm ko at nag-inat. Inayos ko muna ang kama ko bago pumasok sa cr at naligo.
Habang nasa ilalim ng shower, napaisip ako sa napanaginipan ko. Kung tutuusin, ang random niya. Parang may nagsasalita lang sa tenga ko at paiba-iba na ng eksena.
"Nalalapit na ang malaking laban. Kailangan mong kumilos." nilibot ko ang tingin sa paligid at nasa gilid ako ng mga naglalaban na pulis at sibilyan. Pawang hindi nila ako nakikita at patuloy lang sa pagtutulakan. Nasa harap sila ng malaking gusali. Tingin ko ay rally ang nangyayari.
"Kung wala kang gagawin, maraming inosente ang mamamatay. Hindi lang sila, pati na rin ang pamilya at mga kaibigan mo." tinakpan ko ang tenga ko, nagbabakasakaling tumigil ang boses na 'yon.
Pero hindi pa rin ito tumigil.
Ang sunod na eksena, nasa harap ko si Love at dahan-dahan niyang tinutok ang baril sa noo ko. Hindi ako makapalag sapagkat nakatali ang kamay at paa ko.
Bago pa man niya maputok, nagising na 'ko.
Isang bangungot ang natuklasan ko. Sana ay hanggang doon lang at hindi mangyari in real life.
Pero ito na rin ang nagsisilbing warning sa'kin.
Pero paano ang pag-aaral ko?
Hindi ko talaga ginusto ang makatapak sa pwestong mayroon ako ngayon. Biglaan lahat.
Nagtagal pa siguro ako ng isang oras sa shower bago naisipang magbihis. Simpleng white shirt lang at blue maong shorts ang suot ko. Nag-blower ako ng buhok at lumabas na pagkatapos.
Habang bumababa ng hagdan, tinatali ko ang buhok ko sa messy bun.
"Manang, nasaan po sina James at Yaya?"
"Nasa swimming area po sila." nginitian niya ako.
"Salamat po." dumiretso ako sa dulong bahagi ng bahay. Sobrang laki ng salas nila, paano pa kaya ang bakuran?
Binuksan ko ang sliding door. Naroon si James sa pool at si Yaya naman ay nasa side chair habang nagbabasa ng dyaryo.
"James!" bumangon siya sa pagkakahiga sa salbabida at nilingon ako.
"Yes?"
"Ang panget mo." umirap ako at tumabi kay Yaya.
"Salbahe ka talaga!"
"Kumain ka na ba, 'nak?"
Umiling ako at sumandal sa balikat niya, "Kayo po?"
"Oo. Kumain naman na. Ipagluluto kita. Anong gusto mo?"
"Wala po."
"May problema ba?"
Umayos ako ng upo, "Ang sama po kasi ng napanaginipan ko. Delikado raw ang buhay natin. Kahit 'yung buong bansa raw."
"Dahil sa... tita mo tama ba?" tinanguan ko siya, "Kanina, napanood namin sa balita, most wanted group sila sa Pilipinas ngayon. Special mention si Lydia."
"Of course. That stupid woman is always bida-bida."
"Anong plano mo ngayon?"
Pinagsiklop ko ang mga kamay ko habang ginagalaw-galaw ang mga paa, "Hindi ko na alam, Yaya. Napapagod na 'ko kakaisip. Nag-aaral ako pero mas kailangan kong unahin ang trabaho para sa kapakanan ng lahat."
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...