Jak's POV:Wednesday.
Nagp-prepare na ako ngayon dahil mag-6:30 na. Nakabihis na rin ako ng uniform at kumakain habang naghihintay sa pagsundo niya. Speaking of that man, I really thank him. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanya.*dingdong*
Tatayo sana ako para buksan ang gate pero sinenyasan ako ni yaya na ipagpatuloy ang pagkain at siya na ang lumabas.
"Good morning, sunget!"
Tumaas ang dalawa kong kilay at saka binaba na ang baso ng kape. Umupo naman siya sa harap ko at kinuha ang sandwich sa plato ko saka kinagatan.
Bilib din ako sa pagbabago ng mood niya. Ano 'yon, may times na makulit at may times na masungit?
"Kumusta ka, ngetsu? Gumaan na ba ang pakiramdam mo?"
"Nope."
"Anong-- Anong nope? Ang hirap dumaldal na puno ng wisdom tas hindi gumaan pakiramdam mo? Alam mo bang nakaka-offend ang sinabi mo para sa genius na katulad ko?"
"May magagawa ka ba?"
"Marami."
"Asa."
"So hindi rin ako nakatulong sa'yo?"
"Nope."
"Sinungaling." kumuha pa siya ng dalawang strawberries sa plato ko.
"Don't be pakipot. Kunin mo na rin ang plato ko. Nakakahiya naman sa'yo." at talagang sinunod naman niya! Mas makapal pa sa encyclopedia ang mukha niya.
"Si yaya Nene nag-prepare ng breakfast mo 'no? Galing ng combination ng pagkain."
"How dare you? Anong akala mo sa'kin, bata pa para paghainan ni yaya? Ako ang gumagawa ng breakfast ko, gunggong."
"Sa tingin ko, hindi. Tingin ko mahilig ka sa pagkaing ampalaya--"
"Hindi ko tinatanong opinyon mo."
Mahina siyang natawa at pinagpatuloy ang pagkain.
"Hindi ka ba kumakain sa bahay niyo? Wala kayong food?" I rolled my eyes.
"Swerte ka nga at ang aga ng pagsundo ko sa'yo. May time ka pa para pagandahin sarili mo."
"Ang malas ko naman na may kaharap akong ubod ng yabang, 'di naman gwapo."
"Edi hindi ako ang tinutukoy mo? Gwapo ako, e."
Pinigilan ko ang sarili kong manghampas ng mukha gamit ang suot na stilettos.
"Hurry up. Kailangang maaga ako pumasok. I have a lot of things to do."
Tumango siya at binilisan ang pag-kain. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang matapos siya. Kada nguya niya, lumilitaw ang dimples niya sa magkabilang pisngi. Dimples are super cute for me.
"Buti hindi ako natunaw sa titig mo. Crush mo yata ako, e."
"Encyclopedia ka talaga."
----
"What is your dismissal time?"
"5."
"I have swimming training until 6 p.m. Wait me at the school garden." he's serious again. Nag-iingles na.
Tumango ako at nauna nang pumasok sa loob.
Nilabas ko ang phone ko para tignan ang messages at isa-isang nireplyan. Sa gitna ng paglalakad ko, may bumangga sa'kin kaya back to mainitin ang ulo ko. Nagkalat ang mga papel na hawak niya sa sahig.
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...