Maureen's POV:
Mabuhay! Buhay pa kayo? Ako kasi hindi na hehe.Feeling ko na-crush at first sight ako. Tsk, naalala ko na naman sinabi ni Min, "baka fling at first sight?" bobang 'yon! Tingin ko namang magseseryoso na 'ko mwehehe pero feeling ko pa lang, 'di ko pa sigurado.
So ayon absent ako ngayon, baliktad 'di ba? Kahapon waley akong pasok pero pumasok naman ang maganda. Syempre masakit ulo ko. Actually uminom ako kagabi nung Tequila, lakas ng tama, brad.
Isang baso pa lang, nakakahilo na, e.Okay maharot ako, pero bihira lang ako uminom kahit pa nasa tamang edad. Umiinom lang ako kapag may events or mostly kapag may problema.
I may be a loud person, but I'm not open when it comes to problems. Kaya nga sabi ni Ashleigh, magka-tandem kami ni Jak sa ganyan.
Binuksan ko ang phone ko dahil pinower-off ko muna kagabi, stress e. Pagkabukas ko, bumungad ang mga texts ng mga kaibigan ko.
MINi ko: 7:45 a.m.
Sa'n ka? Pumasok ka ba? Text ASAP.
ASHaming Anghel: 7:50 a.m.
Boi, ba't ka absent? Okay ka lang? May sakit ka?
JAKailan: 6:41 a.m.Practice ng participants, auditorium. 2pm, no late.
Napasimangot ako sa text ni Jak. Hindi man lang ba niya ako tatanungin kung nasan-- sht! si Jak! Putek! Ba't ba nakalimutan ko ang supladang 'yon?! Tae naman. Lasing pa, maganda!
Dali-dali akong tumaas papuntang kwarto ko at nagbihis, naligo naman na 'ko kanina paggising. Buti na lang at maagang umalis ang parents ko at hindi nila alam na uminom at late ako papasok.
Sumakay na ako sa sasakyan ko at mabilis na pumuntang school.
Sa sobrang bilis ko magmaneho, natatakasan ko pa ang mga stoplight. Forgive me, laws. My friend is in danger.
1p.m. na 'ko nakarating at nag-park. Dapat kasi sa condo na lang ako nag-stay, tsk.
Dumiretso ako sa SC office, kumatok muna bago pumasok. Nang buksan ko ang pinto ay nakita ko si Ash at Jeyda na nag-uusap.
"Ayy gaga ka! Late ka hoy! Lakas pumasok ng ala-una ah! 1st violation!" bungad sa'kin ni Jeyda habang nakataas ang kilay at nagsusulat sa notebook niya.
"Girl, nyare sayo? Oks ka lang?" inabutan ako ni Ashleigh ng fries and coke.
"Hoy! Pagkain ko yan ih!" reklamo ni Jeyda, napakadamot sa puds!
"Sharing is caring, miss secretary." Wahaha! Panis.
"E mayaman naman yan, e! Akin na yaaaan!" pilit na inaabot ni Jeyda yung fries kay Ash.
"Mayaman ka naman ah? Kuripot lang! Manang mana ka kay Fuentes." tumawa pa 'ko nang malakas habang nakaturo sa kanya.
Naalala ko, every time na magda-date kaming apat sa mall, silang dalawa ni Jak ang nagc-cr 'pag oras na ng payment sa resto.
"Hmm, asa'n pala si Jak?"
"Tinatawagan ko nga kanina e, pero mukhang nakapatay yung phone."
Napakunot-noo ako. Sa aming apat, ang mabilis tawagan ay si Jak. Kaya kapag may kailangan ako, sa kanya ang unang punta ko.
"Gano'n din sa'kin. Ilang texts na ang sinend ko sa kanya pero ni isa, walang reply."
Deym.
Pero kanina na-text niya pa 'ko! Sa oras na 'to, sobra na akong kinabahan. Huhu, ayokong mag-isip ng masama. Pero nagsisimula na 'kong mag-isip!
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...