CHAPTER 15

129 43 0
                                    

Ashleigh's POV:

 Saturday, 6:00 a.m.

Narito na ako sa school at nag-aayos ng notes sa whiteboard ng classroom namin for the first subject. Aero course is really testing my patience. Ang hirap kapag mahal ko ang course and at the same time sinusumpa ko ito.

Until now ay nag-iimbestiga pa rin ang personnel nila Jak sa nangyari. Kinwento niya ito sa aming tatlo sa video call at hanggang ngayon ay hindi ko magawang paniwalaan ang nalaman.

Sa tinagal ko rito sa school mula elementary, ngayon lang ako may nabalitaang murder attempt at sa kaibigan ko pa!

If I'm not mistaken, posibleng sila rin ang may kinalaman sa bomb threat noong birthday ni Tita Jazel. Para kaming nasa teleserye simula nang mangyari ang isang trahedya sa pamilya nila. Paborito kong genre ito sa mga movies pero mas nakakatakot at nakakatindig balahibo pala kapag nangyayari sa totoong buhay.

Hindi ko maiwasang matakot at mangamba. Paano kung ang gustong pumatay sa kaibigan ko ay student din dito?

Jak said na wala dapat kaming ipag-alala dahil kaya niya ang sarili niya. That girl was born to be a stubborn creature.

"Good morning, Ms. Ash." nginitian ko ang janitor at binati rin pabalik. Nilagay niya lang ang basurahan sa tabi ng whiteboard at umalis na.

May ilalagay pala ako sa storage room na extra supplies namin. Napagdesisyunan kasi naming magkakaklase na itago muna sa isang lugar ang ilang supplies na bigay ng admin sa amin. Dalawang boxes ito na katamtaman lang ang laki. Hindi rin naman gano'ng kabigat.

"Do you need help?" napasilip ako sa harap ko.

Oh. I know him. He's Aiden Alcazar from Aero department also. Kasama rin siya sa varsity swimmers ng school.

"No, I'm okay. Hindi naman mabigat--" napatigil ako nang kunin niya sa akin ang dalawang box at siya na ang nagbuhat.

"Saan 'to ilalagay?"

"A-ah.. sa storage room dito sa ground floor." tumango ito at naunang maglakad. Nakaawang pa rin ang bibig ko habang nakasunod sa kanya. I thought he's suplado at first.

Narating na namin ang storage room at dahan-dahan niyang ibinaba ang boxes. Maayos ang room at sobrang linis, halatang alagang-alaga kahit maraming nakalagay na kahon.

"Thank you so much. Naabala pa kita."

"Nope, I insisted," nakatutok na ang tingin niya sa I.D. ko na naka-clip sa bandang skirt ko, "You're also an Aero student?"

"Yeah."

He smiled. He.. he literally smiled! I really thought na hindi siya ngumingiti. Everytime na nakikita ko siya sa cafeteria dati, para siyang bossy and arrogant. Hindi naman pala.

Gosh, he's too handsome.

"It's nice to meet a female Aero student. Mostly, mga lalaki ang nasa department na 'to."

"Hindi naman. Marami rin akong kaklaseng babae."

"Wait, anong year mo na ba?"

"2nd year." sagot ko.

"Oh. Kaya pala. I'm in 3rd year, by the way."

So it means, considered one of our seniors na rin siya. Amazing. Pwede pala ako magtanong sa kanya about lessons sa buong 2nd year para mapaghandaan ko na.

1st semester pa naman at first week of school pero nagsisimula na ring mag-discuss at magkaroon ng surprise quizzes. Gano'n ka-advance ang professors dito! Well, can't deny, napakalaking advantage nito sa amin lalo na't napapanatili namin ang magandang class performances.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon