Jak's POV:
6 a.m.
"Ms. Jak, we're good to go. Okay na po ang stage, assembly hall, backstage needs, curtain calls, participants, judges, and emcees." aniya ng babaeng in-charge sa rehearsals last time.
"I want to see the overall performance now."
"Y-Yes po." inilapit niya sa bibig ang walkie-talkie saka dali-daling pumunta sa backstage.
Bago magsimula ang ipinahanda kong final rehearsal ay nakahabol pa si Jeyda at naupo sa tabi ko.
"How was everything outside?" salubong ko sa kanya.
"Fabulous. For sure, matutuwa ang officials and visitors niyan mamaya." she smiled widely.
Ikinatuwa ko ang sinabi niya dahil kay Jeyda na mismo nanggaling na maganda ang set up. She's also a perfectionist kaya tiwala ako sa kanya pagdating sa ganito.
"
1 week na ng matapos ang birthday surprise niya and bukas na rin ang pageant. This is my first time to surprise someone. Naging mahirap rin para sa'kin na kausapin ang parents niya lalo't hindi ako sanay na ako ang unang lalapit at kakausap, hindi ko rin kasi sila ka-close.
I don't know what the hella's going with me but I just want to see his true smile again. Halata namang masaya siya no'n. He deserves that.
"Uhm Miss Jak? Ano po sa tingin niyo?" kunot noo akong tumingin sa kasama ko.
"W-what is it again?"
Ngumiti siya, "Sir Ken will be the MC po for the pageant. Dean requested that at alam na po ni Sir Ken yon."
Binuka ko ang bibig ko pero hindi ako nagsalita kaya tinikom ko ulit. I just sighed, "Okay."
Two days na since di ko pa siya nakikita. Sinabe ko kasi na wag niya na muna ako sunduin, ayoko namang lagi siyang hatid-sundo sa'kin. Kung may time na dapat sunduin niya 'ko, gamitin niya yon para sa sarili niya, he should treat himself too.
It's just weird na hindi ko siya nakikita sa campus tuwing iikot ako sa buong school, pero ando'n ang sasakyan niya sa parking. Wala rin siya sa swimming pool area. Mamamatay kasi ang ilaw sa taas ng pinto nung swimming area pag may tao sa loob, e wala nakabukas yung ilaw.
"And Miss Jak, co-MC niya po si Ms. Dy." agad napatingin sa kanya.
"Why?" natigilan ako at nainis bigla.
"Ang sabi po kasi ni Ms. Dy kay Dean, siya na po ang magiging partner ni Sir Ken."
Nanatiling blanko ang mukha ko. Ano na namang pinaplano ng punyetang yon?
"Pumasok si Dy?" parang nanggigigil ako habang sinasabe yon. Naka 2 weeks na simula nang hindi pumapasok yon. Hindi pa 'ko tapos sa babaeng yon, sasakalin ko pa ng super higpit.
"Yes po, Miss Jak. Kaso umalis na rin po agad pagkatapos kausapin si Dean." hindi man lang nagpakita sa'kin, kakalbuhin ko pa sana.
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...