CHAPTER 17

104 39 2
                                    


Jak's POV:

"Anong plano mo sa pageant?"

Kausap ko ngayon si gunggong sa messenger and need talagang magawan namin ng maraming plano ang pageant.

"Wala pa akong plano." medyo awkward kami ngayon kasi kada tanong niya, sasagot ako then tahimik na ulit kami. Gano'n din ako, magtatanong ako tas maikli lang sagot niya.

Tumahimik na naman ang kabilang linya.

"Ikaw?"

"Mukha ba 'kong babae para magplano ng beauty pageant? Ha, sunget?"

"Hm-mm. Mas maganda ka pa sa'kin kung sakali."

"Heck no."

--Flashback--

"Hoy, bakit ka ba nagpapaulan?!" giit ni Ken habang pinapayungan ako.

Matalim akong tumingin sa kanya at nagulat naman siya sa paraan ng pagtingin ko at saka siya nag-iwas ng tingin.

"Halika na sasamahan na kitang pumas--"

"My notebook? Give me."

 Binigay niya 'to na galing sa bulsa niya, medyo maliit lang kasi yung notebook. "Okay ka lang ba talaga?"

"Yes. Go and leave, gabi na. I'll bring my own car tomorrow. You don't need to fetch me." sabi ko sabay alis dahil sakto namang humina ang ulan ngunit nagulat akong hinabol niya ako at binigay sa'kin ang payong.

"Basang-basa ka na pero nagpapaulan ka pa ulit. Pwede bang alagaan mo ang sarili mo?"

"Binigay ko na nga ang payong sayo, nagrereklam--"

"Mas okay na yung ako yung mabasa kaysa ikaw. Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Magkakasaki--"

"Wag kang mangialam! Puro ka ganyan! pasigaw na sambit ko. Alam kong nagulat siya sa pagsigaw ko, kahit ako rin.

Saglit siyang natigilan, "Ano bang nangyayari sayo?" kunot-noo pero mahinahon na niyang tanong.

"Wala. Sige, umalis ka na." sabi ko at iniwas ang tingin dala ng matinding kahihiyan.

Nag-abang ako ng sagot mula sa kanya pero tinalikuran na niya ako at agad na pumunta sa sasakyan niya.

Hinintay ko muna siyang umalis at businahan ako para sa senyas niyang pagpaalam pero nagkamali ako. Dire-diretso lang siya at parang walang pakialam kahit alam kong nakikita niya 'ko sa labas ng gate. 

Galit yata siya.

Hindi ko rin siya masisisi kung galit siya dahil sa ganoong pakikitungo ko at lalo na sa ugali ko. Hindi ko rin alam ang nangyayari sa'kin pero may ibang emosyon ang pilit na bumabalot sa sistema ko. 

Siguro dahil sa nangyari sa amin ng babaeng 'yon kaya nadala ako sa galit na pati siya napagbuntunan ko pa.

Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa cr para mag-shower at humiga na lang ulit. Maya maya naman ay nakatulog na rin ako.

----

 5:30 a.m. 

Nagpeprepare na ako dahil maraming trabahong binigay si Dean sa'kin. Dali-dali na rin akong pumasok kahit walang laman ang tyan. 

Pagkarating ko sa school ay pumunta agad ako sa office ng SC at nagsimulang magtrabaho.

Sa gitna ng pagtatrabaho, nakaramdam ako ng gutom kaya kaagad akong naglakad papuntang cafeteria. 

Wala pang masyadong tao, nag-order ako ng tapsilog at kape at saka bumalik na rin sa office at doon na lang kumain. Nag-order na rin ako ng frappe at sinabi kong mamaya ko na lang kukunin. 

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon