Jak's POV:
Nagising ako sa alarm ko. 5:00 ang in-alarm ko para hindi na abala kay Yaya. Naligo na ako at nagbihis ng pang jogging dahil 9 pa naman ang pasok ko.
Nagsuot ako ng sports bra at black hoodie bilang pang-patong, black jogging pants and white Reebok shoes. Pinatuyo ko muna ang buhok ko at saka tinali. Bitbit ko lang ang phone, wallet at airpods ko.
Tahimik akong umalis ng bahay para walang maabala. Mabilis pa namang magising si Yaya sa kahit kaunting ingay lang.
2 kilometers ang tantsa ko sa layo ng park mula sa subdivision namin. Nang makarating na ako ay umupo muna ako saglit dahil sa sakit ng puson.
Minsan aaminin kong nasisiraan na ako ng ulo. Mag-jogging ba naman habang may period.
Tunay na maganda ang lugar. Mapuno, may mga classic benches, maraming samu't-saring bulaklak na nakatanim sa mga gilid, at may mga tao na ring naglilibot.
Naalala ko ang mga panahong halos hindi na ako umaalis dito, comfort zone ko kasi ito noon bago ako pumuntang US for recovery.
"Hey." napatingala naman ako sa taong nasa harap ko. Masyado pa kasing madilim at may ilaw naman, ang kaso, sa place ko mismo nakatapat kaya hindi ko masyadong maaninag 'yung mukha.
"Sino ka?"
"Woah. Sunget, hindi mo na agad ako maalala?" marinig ko pa lang ang boses niya, naiirita na agad ako.
Nanatiling blanko ang mukha ko, "Alis."
"Di mo man lang ba ako yayayaing umupo sa tabi mo--"
"Who said I want you to sit beside me? Stop dreaming."
Pero ang mokong, umupo pa talaga sa tabi ko!
Pati ba naman dito, may kamalasan pa rin?
Sa sandaling iyon pinagmasdan ko ang suot niya. Black sando, black jogging pants and gray shoes. May white Supreme headband siya sa ulo pero may ilang bangs pa rin siya sa noo. In short, gwapo naman. 'Di ko lang type.
"Alam mo, Sunget--"
"Wala akong pakialam."
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot samin. Natauhan lang ako nang humarap siya sa'kin at tinitigan ako. Nako-concious ako nang may nakatitig pero hindi ko na lang siya pinansin.
"Baket ba ang sunget mo ha? Di ka ba naalagaang mabuti? Sa'n ka kaya pinaglihi? Ay, alam ko na! Kay Miss Minchin."
Inis akong napatingin sa kanya! Bastos na 'to! Saan siya kumukuha ng lakas ng loob to say those things to me? Ang aga-aga, binabadtrip ako! Pati si Miss Minchin, ihahalintulad pa sa'kin?! Ang kupal! Ang daldal pa!
"Oh chill!" tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko, "Wag mo naman akong tignan ng ganyan. Baka mas pumanget ka pa, okay na yung nasa level 1 na panget. 'Wag mo nang paabutin pa ng level 2."
Nanlalaking mata ko siyang tinignan.
Hindi ba siya aware na ako ang pinakamaganda at pinakadyosa sa academy?
"Pwede ba?! Umagang umaga, nagpapakita ka na naman ng ikinaiinis ko. Lumayas ka nga!"
"Nagpapahinga pa ako."
"Alis!"
"Still resting."
"May isa pang bench do'n!" hinampas ko ang braso niya sabay turo sa isa pang katapat na bench.
"Ouch," hinimas-himas niya ang braso niya, "Gusto ko sa tapat ng ilaw, e! Sayang naman 'tong kagwapuhan ko kung hindi napakikinabangan 'di ba?"
"Ang kapal mo talaga."
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...