Jak's POV:Sunday night and I'm here at the terrace, drinking wine.
*knock knock*
"Anak."
Lumingon ako sa likod at nakitang sinasara na ni Dad ang pinto. Umupo siya sa katapat kong upuan sa center table at tumabi sa'kin.
"Are you okay?"
Uminom ulit ako ng wine at binaba ang baso sa table.
"After what happened, Dad? Do you really have the guts to ask me if I'm okay?"
"Like before, you used to control your temper--"
"Again and again. Binabalik niyo na naman ang dati. Can't you all just move on?"
Yumuko siya ng kaunti at tumango-tango. Saglit na katahimikan ang bumalot sa amin.
He got something off his pocket.
"Watch it."
Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Binibigay niya sa'kin ang phone niya at mukhang may video roon.
Puno ng confusion ang isip ko sa pinapanood. Ito ay marahil sa cctv sa labas ng hotel namin. Naglagay ito ng isang papel sa sahig at dali-daling sumakay sa motor at mabilis na pinaandar. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya ang muntik nang banggain ako at iyon din ang papel na may threat.
"It was from one of the CCTVs we had outside the hotel. Base dyan sa video, sa buhok at hubog ng katawan pa lang ay babae siya. I gave that video to the police and they said, they'll investigate about what happened. Sayang at hindi masyadong clear dahil medyo madilim, hindi tuloy nakita yung plate number."
"Eto yung--" napatigil ako sa pagsasalita ng ma-realize na si Dad pala ang kausap ko. Hindi niya muna pwedeng malaman dahil iniisip ko ang kapakanan nila.
"Yung?"
"Ahh yung ano po, nag-iwan ng envelope." palusot ko kahit walang kwenta! Kaysa naman malaman niya 'di ba?
"Dad, pwedeng makitulog po sa inyo?"
"Huh, why? You have your room--""E kasi Dad you know, I want to bond with both of you and I just want to check Mom if she's okay."
Pero ang totoo, gusto ko lang silang mabantayan.
"Ohh, sige sige. O s'ya pupunta muna ako sa garahe para i-check yung sasakyan mo. I wonder kung bakit na-flat bigla 'yon."
"Sige po. Thanks."
He smiled and left. Inayos ko na muna ang kwarto ko at nilagay ang wine sa maliit na ref ko saka lumabas na rin. Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto nila.
"Mom?"
"Hey, anak."
Nakita ko siyang nakasandal sa headboard at nagbabasa ng magazine.
"How are you?"
"Okay naman."
"I can see that you're not."
Natigilan siya. Binaba niya muna ang magazine at umayos ng upo. Sinenyasan niya akong umupo sa tabi niya.
"It was traumatic."
Hearing those words from her made my anger rise up again. I clenched my fists and simply gritted my teeth.
"Hindi ako natakot dahil nangyari ito mismo sa birthday ko. Natakot ako dahil kalagayan niyo ni James ang iniisip ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapalagay kung ligtas ba tayo rito sa bahay. Wala akong ideya kung sino ang nasa likod ng threat na 'yon kasi wala naman kaming kaaway sa negosyo."
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...