Jak's POV:
"Isa! Ayoko nga! Ilang beses ko pa bang sasabihin na ayokong sumama at wala akong gagawin do'n!" nagtalukbong ako ng kumot matapos guluhin ng magagaling na kaibigan ko ang maganda kong tulog.
"Gusto ka nga naming kasama! Sayang pati ang plane ticket mo!" pilit pa ring hinihila ni Maureen ang kumot ko kaya binato ko sa kanya ang malaking stuffed toy ko.
"Aray! Tarantado ka, ah!"
"Magsama na lang kayo ng iba! Isama mo yaya mo!"
Nakita ko si Ashleigh at Jeyda na palihim na pumasok sa walk-in closet ko habang nagbabangayan kami ni Maureen.
"Hoy! Anong gagawin niyo dyan—" susundan ko na sana sila pero tinulak pa ako ng babaitang ito sa kama.
"Sabi ng school, ako mismo ang magd-decide kung sino ang isasama ko. Gusto kitang isama kaya wala kang magagawa!" pambihirang babae 'to, magigising ang mga kapitbahay ng dis oras sa lakas ng boses niya.
Nilabas ng dalawa ang malaking maleta ko at nilagay sa kama ko. Bumalik pa si Jeyda sa loob para kunin ang mga damit ko.
"Mga leche! Sinabing ayoko ngang pumunta do'n! Napakaboring!"
"Hoy! Tahimik na probinsya ang Batanes pero relaxing lahat ng mapupuntahan do'n!"
Inis akong napakamot sa ulo dahil pumipili pa rin sila ng mga damit ko sa cabinet. Maging ang mga jewelries ko ay nilagay na rin nila sa isang maliit na box.
"Pasalamat ka at nandito kami. Kami na ang nag-aayos ng gamit mo at—"
"Gumugulo ng buhay ko!"
"Maligo ka na." tinulak ako ni Ashleigh papasok sa banyo pero binigatan ko ang sarili ko.
Akala ko doon na nagtatapos. Nang makita kami ni Maureen at Jeyda ay tumulong sila sa pagtulak sa'kin at halos buhatin na ako papuntang bathtub.
Bago ko pa maisara ang pinto ay sinamaan ko ng tingin ang tatlo. Hindi na ako nakipagmatigasan pa dahil wala rin akong magagawa sa kakulitan nila.
Padabog akong naglagay ng toothpaste habang naghihintay mapuno ng tubig ang bathtub. Dahil sa pagka-highblood ko sa kanila, hindi muna ako mag-shower. Ilulublob ko ang sarili ko sa bathtub para mahimasmasan ako.
Naputol ang relaxation ko nang may kumatok, "Hoy, dalian mo dyan, ah! Mala-late tayo!"
Umirap ako sa hangin at hindi na pinansin pa si Jeyda.
Ten minutes ang itinagal ko ro'n bago napagpasyahang magbanlaw nang maayos. Dumiretso ako sa closet at nagsuot ng white fitted shirt and shorts. Kumuha na rin ako ng shades sa drawer at nilagay sa handbag.
Inayos ko pa ang ibang pinto ng ibang cabinets na naiwang bukas dahil sa mga bruhang 'yon.
Bago ko pa tuluyang maisara ang cabinet ng summer outfits ko ay tumaas ang kilay ko dahil nawawala ang dalawang swimsuits na bagong bili ko lang sa U.S.
Paniguradong nasa maleta na 'yon. Kung hindi ba naman sa mga pakialamera kong mga palaka, malamang ay masarap pa ang tulog ko ngayong ala-sais ng umaga.
Nasa loob lang din ng walk-in room ko ang vanity area kaya doon ko na ginawa ang pag-blower and curl ng buhok, skincare, and makeup.
"Hoy! Pwede bang bilisan mong kumilos d'yan? Mahuhuli na tayo sa flight! May check-in pa ng mga bagahe!"
"Can't you fcking wait?! Kayo ang gumugulo sa nananahimik kong buhay kaya magdusa kayo kung hindi niyo abutan ang eroplano!""You'll book us another flight!" sagot pabalik ni Maureen Haven.
"You wish, bitch!"
--
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
AksiyonUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...