CHAPTER 7

142 49 0
                                    

Jak's POV:

Saturday.

My Mom's birthday. This is her special day. It's 4:30 in the morning at ang pasok ko ay 7 a.m. 

Actually, hindi ako nakatulog nang maayos pagkatapos ng nakita ko kagabi. 3 hrs lang yata ang tulog ko. Gumising ako ng maaga para ipag-bake si Mom ng favorite niya. Banana cake.

Mabilis akong naligo at nagbihis ng black sando and maong shorts. Nag-blower muna ako ng buhok saglit at tinali ng pa-bun saka bumaba na.

Naabutan ko si yaya na masayang naglilinis sa sala habang sumasabay sa music sa radyo.

"Yaya."

Gulat siyang napalingon sa'kin, hindi sigurong inaasahang nagising ako ng maaga. Tuwing nagj-jogging kasi ako, wala pang araw ay umaalis na ako kaya hindi niya rin ako naaabutan.

"Good morning! Napaaga ka yata ng bangon?"

Tumango ako, "I want to bake for Mom po."

Ngumiti naman siya, "Wow! Talaga? Ang tagal mo nang hindi nag-ba-bake ah. Hindi pa rin talaga nagbabago ang sweetness mo sa nanay mo."

Ramdam ko ang antok ngayong umaga kaya hindi ko maiwasang humikab. Nagsimula na akong magbake at pa-minsan minsa'y tinutulungan ako ni yaya sa pagtikim kung maayos ba ang pagtimpla ko. 

Natapos ko naman agad ang pagba-bake less than an hour.

Pinatikim ko kay yaya ang kinuha kong piece of cake, syempre gamit kutsara.

"Kumusta, Ya?"

"Ansarap! Dabest!" sabay thumbs-up pa sa'kin.

"Salamat po."

Ngumiti siya sa'kin at babalik na sana siya sa sala nung tinawag ko siya, "Ya, about last night--"

"Okay lang, Jak. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo. Baka kung ako ang nasa posisyon mo, nawala na ako sa sarili ko." Kita ko ang emosyon sa mata niya at niyakap ako. Pinigilan ko ang nais na kumawalang luha at niyakap siya pabalik.

"Napakatapang mo, 'nak. Sa lahat ng sumbat na natatanggap mo, pinili mong manahimik at hindi gumanti. Kaya tuwing umiinit ulo mo, kusa kitang naiintindihan.. dahil alam kong maging ikaw, hindi ginusto 'yan."

Bumitiw ako sa yakap at pinahid ang luha niya sa kaliwang pisngi, "Sinusubukan ko pong bumalik sa dati.. pero sariwa pa rin sa'kin 'yung nangyari, 'yung aksidente, 'yung paninisi. Kaya humihingi po agad ako ng pasensya sa inyo. Minsan kasi hindi ko nako-kontrol ang ginagawa ko."

"Handa kaming maghintay na maghilom ang mga sugat sa puso mo. Pero 'wag mo agad pilitin. Dahil kusa 'yang gagaling sa hindi mo inaasahang oras.. at sa hindi inaasahang tao."

She became my mother when I was still a kid at baby pa noon si James. Our parents were so busy to the point na hindi na kami maasikaso. I want to call her 'Mama' but she wants to be called 'Yaya' instead. Ayaw niya raw ma-replace si Mom. I refused but had no choice in the end.

I never blame my parents when they missed to attend some of my school recognitions because I understand them. They're doing their jobs to secure and make our future better. At hindi ko naramdaman ang kawalan ng magulang dahil nandyan si yaya. Pinaramdam niya sa amin ang pagmamahal at atensyon na minsa'y hinihingi ko kay Mom at Dad.

Nagtampo pa ako kay yaya one time. Ayoko kasing nakikita siyang mag-isang nagta-trabaho. Sabi ko tutulong ako sa ibang gawain o kaya magha-hire ng isa pang katulong. Umayaw siya dahil hindi naman daw gano'n kabigat ang ginagawa dito.

"O siya kunin mo na ang bi-nake mo sa oven para medyo lumamig, maglilinis pa ako."

"Kumikintab na po 'yung buong bahay. Araw-araw niyo ba naman nililinisan."

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon