Jak's POV:"BEBEEEE!!" sigaw ng pinaka maingay kong kaibigan habang tumatakbo palapit sa'kin.
Kasalukuyan akong nakaupo sa favorite bench ko under the yellow tree. Lakas maka-Nami island vibes ng mga puno dito sa garden.
"What now?"
Akala ko tahimik na ang pag-rereview ko dahil baka may pa-surprise quiz si tandang dalaga. Pero mapupuno na naman ng kadaldalan ang aura ng paligid ko.
"Sis, na-miss kita huhu." kunyaring paiyak na sabi ni Maureen.
I rolled my eyes.
"Magkaano-ano kayo ni gunggong?"
"What?! Gunggong?! You mean galunggong?" iba talaga 'pag conyo.
"Si Kendrick." sabi ko habang nakangiwi.
"Sinong Kendrick?"
Huwaw! Siguro sa dinami-daming lalaki nito, hindi na niya alam ang pangalan ng mga 'yon.
"Kendrick Guevarra."
"Ahh! Si Kenny?" kumunot ang noo ko.
Kenny?!
Puchang pangalan 'yan.
"Friend ko si Ken Guevarra! Actually new student siya from an exclusive international school din, medyo malayo-layo rito. And guess what.. Since last year pa pala siya nagt-training ng highschool sa PE subject kasi swimming captain siya ng varsity ng school natin. O 'di baaa? Nakakabilib! Kaka-start lang ng school year tapos new student pa ang captain nila. Hihihi. Why? Type mo? Magkakilala kayo?"
"Nope."
"Sa sunod-sunod kong tanong, iisa lang ang sinagot mo?!"
"Isa lang din ang sagot ko sa mga tanong mo."
"Eh? 'Yung why, 'di mo sinagot. 'Pag nagtanong ba ako ng 'paano' dapat isasagot mo 'oo'?"
"Pinagsasabi mo?"
"Tama."
Sinamaan ko siya ng tingin, "Hoy babae, nagr-review ako dito dahil si tandang dalaga, siguradong may pa-surprise quiz. Kaya kailangan ko ng peace of mind."
"Oh, e anong gagawin ko?"
"Umalis ka."
"Ganyan ka ba mag-treat ng mas matanda sa'yo ha? Baka nakakalimutan mong ako ang ate ng grupo natin."
"Edi alis ka na po, lola."
"Hmp! Bye! Bumagsak ka sana sa test mo!" naglakad na siya palayo.
"I-reject ka sana ng dina-date mo!" sigaw ko pabalik. Nilingon niya ako at tinaasan ng middle finger.
Nag-ayos na ako ng mga libro at dumiretso na sa elevator para iwas haggard sa hagdan. Nasa 3rd floor lang naman ang susunod kong klase.
Agad kumunot ang noo ko pagkarating sa classroom. Nakabukas ang sliding door habang nag-iingay sila sa loob. Pambihira, lumalabas ang lamig ng aircon.
Nang makita nila ako, mabilis silang nagbalikan sa kani-kanyang upuan at binati ako. Ilang minuto pa ay pumasok na rin si tanda.
"Everyone, this is your new classmate. Lumipat na kasi siya ng BS Tourism Management. Iha, introduce yourself." malawak ang ngiti ni tandang dalaga. Kamukha ni Pennywise, ah.
"Hi everyone, I'm Sophia Gail Dy."
Pagkatapos niya magsalita ay nagsimula nang nagbulungan na ang mga kaklase ko.
"Siya yung mayabang doon sa bulletin area 'di ba?"
"Yung kumalaban kay Miss Jak? Ang kapal niya ha!"
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...