CHAPTER 28

82 20 0
                                    


Jak's POV:

5 a.m.

Hindi pa rin ako mapakali dahil sa pagsigaw ko sa kanya. Hindi kinakaya ng konsensya ko. I texted him.

Me: Sorry for yesterday.

Nag-shower muna ako at do'n itinuloy ang pago-overthink ko. Nang matapos, nagbihis na ako at naghanda na ng gagamiting bag.

Pagkauwing pagkauwi ko kagabi, pinilit kong umakto nang normal. Kay Ashleigh na ako nagpahatid kasi nahihiya talaga ako sa dalawang nabungangaan ko. Si Jeyda naman ay dumiretso sa restaurant nila, may inuutos daw ang dad niya.

Napapaisip ako sa nangyari kahapon. Gusto kong sabihin kay Uncle ang tungkol kay Dy pero may part sa'kin na ayokong ituloy. Ang childish kasi na gusto ko lang siyang mawala sa school na 'to without proving na may major violation siya.

I'm sure na hindi rin magtatagal ay mae-expel siya rito. I wish.

Napatingin ako sa phone kong nasa kama nang mag-ring iyon.

"What now?" sagot ko sa kabilang linya.

"Grabe, girl! First time unang sumagot, ah. Saan ka?" tanong ni Maureen.

Umupo ako sa harap ng salamin saka nagblush on at naglip-tint.

"Bahay."

"Punta ako dyan."

"May kailangan ka ba?"

"Wala naman. Gusto lang kitang makita hihi. So can I?"

"No."

"Bakit naman?!"

"Oh come on, I know na may gusto kang sabihin o ichika."

"Sa katamaran kong mag-drive, susunduin pa kita dyan para isabay lang sa school."

"Sabay na kami ni Ken--"

"He just told me na he can't make it to school today. May sakit ang kapatid niya at ayaw niyang ipaubaya sa mga katulong nila ang pag-aalaga kay Kaylee. He insisted na isabay na lang kita."

"I have my own car. Mauna ka na sa school."

"Wait, are you sure? Jak, kailangan mo ng kasama on the way. What if ma-ambush ka--"

"Maureen, I can handle it." binaba ko na ang tawag.

Psh. Bakit si Maureen pa ang unang makakaalam na hindi siya makakapasok? Bakit hindi niya idirekta sa'kin tutal sabay naman kaming pumapasok? Mukha ba akong ignorante at walang pakialam? Kailangan niya pang ipadaan sa kaibigan ko 'yung gusto niyang sabihin.

Parang nawalan tuloy ako ng gana mag-makeup.

----

"Ateeeee!" sigaw ng panget kong kapatid na nasa dining area at kumakain ng cereals.

"Mabuti naman at natuto ka ring gumising nang maaga?"

"Sabay ako sa'yo! Nag-chat sa'kin 'yung kaibigan ko, absent daw siya." nakasimangot niyang sabi habang ngumunguya.

"Sino ba 'yun?"

"Secret."

"Boy or girl?"

"Girl." lawak pa ng ngiti niya. Talaga lang, ha.

"I'll tell Mom--"

"Bestfriend ko 'yon! Ikaw talaga, kung ano-ano pinag-iisip mo, tsk tsk tsk."

"Bakit ka defensive?"

"I'm not!"

"Why are you becoming a tomato?"

"Harhar." he rolled his eyes.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon