Jak's POV:"Papel mo." kapal talaga ng Dy na 'to. Muntik ba namang isampal sa mukha ko ang papel.
"Bastos ka?"
Marahas siyang nagbuntong-hininga, "President, papel niyo po, oh. Paabot na lang po."
Kinuha ko na sa kanya ang quiz paper ko at nilagay na sa bag.
"Ambisyosa." rinig kong bulong niya.
Aalis na sana siya nang hinigit ko ang uniform niya, "A-ano ba?! Bitawan mo nga ako!"
Pilit siyang nagpupumiglas kaya binitawan ko rin siya. Dumiretso tuloy siya sa bakanteng upuan, sayang hindi pa tuluyang natumba. Rinig naman ang tawanan sa paligid namin.
"Sabi mo bitawan kita e." I said as I shrugged.
"Bwisit ka! May araw ka rin sa'kin."
Pinapatawa niya ba ako?! Ang lakas ng loob niyang sabihin sa harap ko 'yon! Akala mo kung sino.
"Ang tanong, aabutan ka pa ba ng araw?"
Inis siyang tumayo at medyo lumapit sa'kin, "Hindi mo ako kilala, Fuentes. Wag mo akong angasan dahil mataas ang posisyon mo dito. Oras na mapunta ka sa teritoryo ko, walang awa kitang sasaktan." sabi niya habang sobrang sama ng tingin sa'kin, psh. Cringe.
"Sa liit mong 'yan, baka ako pa unang manakit."
"Masyado kang mayabang. Mas matangkad ka lang akala mo kung sino ka--"
"Dyosa. Call me that. Mayabang na Dyosa."
"Feeler!"
"You mean, honest."
Naghihintay pa kami sa prof naming dumating, antagal.Naalala ko na naman ang sinabi ng bullshit na 'to, wala raw akong awang sasaktan. Ba't sino ba siya?
Pero ang hindi ko talaga gets, una pa lang ay wala talaga siyang takot sa'kin. Lahat ng estudyante ay may takot sa'kin, siya lang ang hindi? Bobang 'yon, pinag-iisip pa ang maganda kong utak.
----
Nakarating na kami ni gunggong sa parking lot na parehong walang imik.
Nakasalubong ko siya sa hallway ng gym room na naglalakad habang nakapamulsa kaya sumunod na lang ako sa kanya. Alam kong alam niyang nasa likod niya lang ako pero hindi niya ako magawang tapunan ng tingin.
Hanggang sa pagpasok sa sasakyan ay nakabibingi ang katahimikan. Binuksan ko ang radyo para maiwasan ang awkwardness. Nakita ko pa sa peripheral view ko ang pagsulyap niya sa ginawa ko pero hindi pa rin nag-abalang magsalita.
*ting*
Mom:
Pauwi na kayo? Dito na kayo dumiretso. Andito sina Tita Emi mo.
Hmm, siguro dinner, it's 6 pm."Diretso ka na rin daw doon, ando'n parents mo."
"Saan?" tumingin siya at kumunot ang noo.
"Bahay." 'yun na ang huling sinabi ko bago ulit bumalot ang katahimikan sa amin. Nakokonsensya na 'ko. Kahit pa'y kontrabida ako sa paningin ng students, alam naman ng karamihan na ako pa rin ang pinakamabait sa lahat.
First time ko 'tong gagawin ngayong second life ko. Sinusulyapan ko siya minu-minuto at alam kong napapansin niya 'yun pero hindi talaga siya lumilingon.
"Arrepentido.." I tried using Spanish language. Sana ay hindi niya maintindihan. Atleast nag-apologize ako kahit 'di niya alam 'di ba?
"Why?"
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
ActionUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...