CHAPTER 11

119 48 5
                                    


Jeyda's POV:

"Jak! Yow, wazzup mehn!" bati ko sabay sabit ng braso ko sa braso niya.

"What now?" inirapan niya 'ko.

Medyo nakatingala pa ako sa kanya dahil sa tangkad niya! Nasa may tenga lang naman niya ako pero baket ganooooon? Huhuhu.

"Di mo ako na-miss?" sumimangot ako.

"Why would I miss you?"

Naglalakad lang kami sa hallway at hindi ko alam saan ang punta nitong masungit na 'to, basta sinusundan ko lang siya. May isang oras pa naman bao magsimula ang klase ko kaya may pagkakataon pa 'kong mang-inis.

"Ang sama talaga ng ugali mo! Porke may jowa ka na! Sino ba 'yon?!"

"Wala akong jowa, tsk."

"Ulol! Kung tignan ka nga sa party, e!" maganda yata ang eyes ko.

"As if I care?!" madiing aniya.

"Sus! Kunyare ka pa!"

Nakapasok na kami sa SC Office. Umupo na siya sa swivel chair niya at binuksan ang aircon.

"Woi! 'Di mo pa sinasagot tanong ko! Sinong lalaki 'yon?"

"Why don't you go and ask him, huh? Tas i-date mo na rin!"

"Oh! Bakit ka nagseselos?"

"What the fck, Jeyda?" 

Ayan na nga po ang bulkan..

"Oo na sorry na, titigil na." baka hindi na ako abutan pa ng araw.

"Kendrick ang pangalan no'n. Bakit hindi mo napakinggan name niya nung tinawag siya para sayawin si Mom?"

"I don't care nung una, hanuba! Pero nung nakita ko namang may connection kayo, I want to know him."

Tinitigan niya lang ako. Hindi ako sanay na limitado lang ang salita at pinapakitang emosyon niya.

"Are you okay?"

"Fine but not okay."

I sighed, grabe na talaga ang pinagbago niya.

'Pag tinatanong ko kasi siya ng ganyan noon 'pag may problema siya, ang sasabihin niya, "May luha tas nakuha mo pang itanong yan, sakalin kaya kita?" gano'n. 

"Alis na 'ko, inaasikaso ko pa 'yung upcoming pageant."

"Ha? E secretary ako--"

"The Vice President and I should talk, not the secretary." saka niya ako iniwan.

Grabe naman. Medyo na-offend ako sa sinabi niya. Kaunting pasensya at tiis pa, Min. May pinagdadaanan, e.

——

Jak's POV:

Nags-stretching ako habang pabalik sa SC Office. Nakakangawit ang dalawang oras na nakatayo at kumikilos habang tinitignan ang rehearsal ng models.

Hinintay ko ang assistant ni Dean dahil siya ang magbibigay ng mga gown designs na napili ng bawat section para sa participant nila.

Nang natanaw ko na ang babaeng assistant, umayos na ako ng upo. Nakangiti siyang bumati at inabot sa'kin ang folders.

"Miss Jak, kunin din po kaya natin itong design for the Archi participant?"

"I need to talk to the vice president. Where is Ramirez?"

"She's having her vacation po until now--"

"Ako nga walang bakasyon-bakasyon, siya pa na walang ginagawa? First week of school, wala siya?"
tumayo ako at kinuha ang name display na 'Vice Pres. Ramirez' sa table niya at tinapon sa basurahan.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon