Jak's POV:
"Why are you staring at me, huh? Crush mo 'ko, 'no?"
Iniripan ko siya at tumingin na lang sa bintana habang abala na siya sa pagmamaneho.
Naalala ko na naman ang mga kwento ni Kaylee tungkol kay gunggong.
"Ay nga pala, ihahatid na muna kita sa school. May dadaanan lang ako na kaibigan--"
I cut him off, "It's okay. Diretso mo na ro'n sa kaibigan mo." I looked at my watch, masyado pa ngang maaga, "Samahan na kita. Maaga pa naman."
Saglit siyang napatingin sa'kin, "Seriously? Sunget, ikaw ba 'yan? Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Bumait ka bigla."
Sinamaan ko siya ng tingin. Gusto ko lang din mapahinga sa worries sa school.
Ilang minuto lang lumipas ay mukhang nakarating na kami sa pupuntahan. Bumaba na siya ng kotse at gano'n din ako. Ngayon ko lang din napansin na pareho kaming nag-uniform ngayong araw. Nasa school rules naman na anytime pwede mag-uniform or civilian.
Pumasok kami sa maliit na eskinita. Nakakakaba pumasok sa ganito dahil umagang-umaga pa lang ay may mga tambay na.
Nauuna siya sa paglalakad at sumusunod na lang ako. Medyo masikip kasi ang daanan dahil sa halos dikit-dikit na ang mga magkakatapat na bahay.
Ilang saglit pa ay tumigil na siya sa isang pintong medyo maliit at sira na rin ang ilang bahagi. Kumatok siya at may tao namang kaagad nagbukas no'n.
"K-Ken? Naparito ka ng ganitong kaaga? Tuloy kayo." agad na niyakap ng lalaki si gunggong pagkapasok namin. Kitang-kita ang saya sa mukha ng lalaki. Sa itsura niya, mukhang nasa 30's na siya.
"Hi po Ma'am, good morning po." tinanguan ko siya gamit ang kilay at ngumiti nang matipid. "Girlfriend mo bro?"
"Hulaan mo."
Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang napansin din ng lalaki ang tingin ko kay gunggong kaya iniba na nito ang topic.
"Anong gusto niyong inumin? Pasensya na kayo at walang pagkain--"
"H'wag na, Kuya Owen. Saglit lang naman kami. Gusto lang kita makita at makumusta. Sina Nanay Ava pala?" tanong ni Ken sa kanya. Dahan-dahang umupo ang lalaki sa kabilang kahoy na upuan at nanghihinayang na tumingin kay Ken.
"Nasa ospital si nanay, e. Sinugod namin noong isang araw kasi sumisikip ang dibdib. Pansamantala ko muna siyang iniwan do'n para mag-ayos ng gamit namin. Mukhang matatagalan pa raw siya ro'n ayon sa doctor niya. Inoobserbahan pa siya ng doktor at sabi pa ay may komplikasyon sa puso ni nanay, mukhang kailangan daw operahan." napayuko ang lalaki at pinagsaklop ang dalawa niyang kamay. Sobrang awa ang nararamdaman ko para sa kanya. "Doble-kayod talaga para sa pamilya. Okay na yung mapagod basta maayos ang kalusugan."
Halatang naiiyak na siya ngunit pinipigilan lang nito.
Tumayo ito at pinuntahan ang mga bag na nakapatong sa lababo at nagpasok ng mga damit.
Tumayo rin si gunggong at pinuntahan ang lalaki. Dahil dakilang chismosa ako, sumilip ako sa nilabas niya sa wallet. Kung hindi ako nagkakamali ay cheque ito.
"N-Nako, Kendrick. Hindi ko 'to matatanggap--"
"Punitin mo kapag ayaw mong tanggapin." tinapik pa nito ang balikat ng lalaki bago bumalik sa pwesto namin. Tumayo na rin ako dahil mukhang magpapaalam na rin siya.
"Tawagan mo lang ako, Kuya Owen. I am ready to help anytime. Napamahal na kayo sa'kin at tutulungan ko kayo hanggang sa kakayanin ko, hindi ko kayo iiwan basta-basta." namamangha ako sa kanya. Napakabuti niyang tao.
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
AkčníUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...