CHAPTER 4

164 59 12
                                    


Jak's POV:

"Miss Jak, pinapatawag po kayo ni Dean." ani ng isang kaklase kong babae.

"K." 

Habang naglalakad ako sa hallway, pakiramdam ko, may sumusunod sa 'kin. Nilingon ko ang paligid ko pero wala namang tao. Binalik ko na lang ang tingin ko sa daan at naglakad na ulit.

Nakarating na rin ako sa Dean's office at may mga students na nagkakagulo sa bulletin board. Umirap ako at binuksan na ang pinto ng office. Naabutan kong nakatalikod si Uncle at nakaharap sa malaking glass window.

"Uncle."

"Oh, iha. Take a seat." umupo na rin siya sa swivel chair niya.

"Pinapatawag niyo raw po ako."

"Ah, yes. Many students request a pageant." inayos niya ang salamin at tumingin sa papel niyang hawak.

"And?"

Ngumiti siya, "I'd like to have you as the leader and organizer of the pageant."

"Uncle, maraming bagay pa 'kong dapat pagtuunan ng pansin. Sa iba niyo na po ibigay 'yan. Vice president ang dapat--"

"Almost all of the students suggested you. They say you have spectacular ideas in organizing and leading events. Isang taon mo na rin na-missed ang ganitong kaganapan sa Enderunt. Magaling ka talaga sa ganito--"

"Dati lang 'yon."

"Bakit? Hindi na ba ngayon?"

I sighed, "Mahirap ang pinapagawa niyo. Matagal ko nang hindi nagagawa--

Nakita ko siyang nanlumo kaya napatigil ako sa pagsasalita. Tsk.

"Okay fine. I'll give it a try."

He smiled widely, "Thank you! Kahit hindi mo na subukan, alam ko namang maganda ang kalalabasan ng pageant dahil sa'yo."

Tumango na lang ako. "Mauuna na po ako."

"Sige, iha. Thank you so so much!" 

And again, tumango na lang ulit ako.

Pagkalabas ko ng office, dumiretso ako sa bulletin area. Nang makita ako ng students ay bigla silang tumahimik at gumilid para bigyan ako ng daan. Ngunit may isang babae ang nanatiling abala sa pagtingin sa board. Ni hindi nito napansin ang biglaang katahimikan.

"Tabi."

Lumingon siya sa 'kin at tinaasan ako ng kilay. Kung ako nasa 5'8, tantya kong 5'4 o 5'3 ang height nito. Kaya lamang ang tangkad at ganda ko. 

"Who are you to ask me that way?" sabi niya habang nakataas pa rin ang isang kilay. 

"Oh no! Mali ang kinalaban niya! Yabang kasi!"

"Lagot na siya kay Miss Pres."

"Kanina pa yan e! Akala mo kung sino! Ayan nahanap na niya katapat niya."

Bulungan sa paligid namin pero nanatiling nakatuon ang titig ko sa babaeng 'to. Kumunot ang noo niya matapos lumingon sa mga estudyanteng nagbubulungan, tila naguguluhan.

"Tabi." mariing ulit ko.

"Sino ka ba?" nanghahamong sambit nito.

"I'm not aware that I need to introduce myself in front of a stupident."

Inirapan niya ako, "I'm a new student here. Kaya tingin ko, karapatan kong malaman kung sino ka."

"In a feeling entitled way?" naningkit ang mata ko.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon