Jak's POV:
"Jakayla Elise! Alam mo bang ang hirap mag-take ng lead sa meeting kahapon?! Saan ka ba kasi nagpupupunta, ha? Wala ka man lang pasabi? Oh ayan." hinawakan niya ang pasa ko sa cheekbone kaya napaaray ako at winasik ang kamay niya, "Iyan ang pruweba na napakapasaway mong babae."
Inirapan ko siya at inabala na uli ang pagt-type sa pc."Kahit si Maureen ay hindi makontak. Ano bang ganap sa inyong dalawa, ha? Masyado na kayong nags-solo. Paano naman kami ni Ash?"
"Dalawa kami so pa'no naging solo 'yun?"
"Shush! Pilosopo ka pa! Tinatanong ko kung saan ka nanggaling at nagkaganyan ang mukha mo?! Ang dami mo pang say, e!"
"Sa kakatalak mo, sino sa'ting dalawa ang mas maraming say?"
Napahilamos siya sa mukha at inambahan ako ng suntok, "Alalang-alala sa'yo si Dean kahapon! Nalaman niya ring may naka-alitan ka. Girl, hindi na siguro bago sa'yo na SC President ka at kailangan i-update ako na SC Secretary sa mga ganap sa school."
"Nagpaalam naman ako sa sekretarya niya, ah? Edi may idea siya kung sa'n ako pumunta at ano ang ginawa ko kahapon."
Napailing na lang siya at umupo na sa swivel chair niya.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon nakaupo ako sa upuan na 'to, sa likod ng pangalan ko na naka-display sa glass table, at gitna ng SC officers. Nakakasawa na nga 'tong gawain na 'to, e. Sa dami kong iniisip, dumadagdag pa 'tong Student Council.
Isa ba 'tong eme?
Kanina pa malalim ang iniisip ko. Ang daming ganap sa buhay ko recently at hindi ako sanay. Sanay ako sa tahimik at hindi pinapansin ng ibang tao. Sanay ako sa sariling kilos at gawa ko.
Hindi ko alam kung sa'ng lupalop ng mundo nanggaling ang mga animal na 'yon, baka sa zoo.I just guessed someone, a mastermind yet a villain..
Someone that is unexpected to reveal, but I really expected.
The incident at our hotel. The box of cake with worms and cockroaches. The woman who choked me at the locker area. People who attacked me at the auditorium. Men who tried to shot Maureen at her condo. I know they're all one.
Sunod-sunod ang paglunok ko at pinagpapawisan. Kinuha ko ang gamot ko sa bag at ininom. Umaatake na naman.
Sinandal ko muna ang sarili ko sa upuan at pumikit. Mabuti na lang at abala na si Jeyda sa computer niya kaya hindi niya nakikita kung anong nangyayari sa'kin.Ayokong nakikita akong mahina.
Few minutes passed, narinig kong nagbukas ang pinto ng office kaya umayos agad ako ng upo. Hindi ako pwedeng makaramdam ng pagod.
"Good morning po." bati ng isa pang officer saka umupo na sa pwesto niya.
"Good morning. Be, nakuha mo ba 'yung pinapakuha ni Dean na records sa business office?"
"Yes, Jeyda. Need mo na?"
"Yes, please." kinuha ni Jeyda kay Erica ang hinihingi. Tumayo na ako at nilagpasan sila.
"Saan po kayo pupunta?"
"None of your business, Erica." lumabas na ako at umupo sa bench katapat ng SC office. Naka-locate ito malapit sa garden at puro puno at halaman ang matatanaw 'pag narito ka sa pwestong ito. Tanaw rin ang soccer field.
Gosh. Sa sobrang init at tirik ng araw, nakukuha pa nila Tristan mag-practice? Kung ako 'yan ligwak na agad ako dahil ayokong ma-sunburn.
"Hoy, babae. Samahan mo 'ko sa clinic. Kukuha ako ng records." kakalabas lang din ni Jeyda sa office.
BINABASA MO ANG
CAN IT BE? (on-going)
AksiyonUNDER MAJOR EDITING. ---- Any insights about conditions of love? Would HE take the risk to get HER old self back? Or could it go otherwise? Can HE know HER secret? Can SHE give him the love HE deserves? Can SHE win against the pain and suffer s...