CHAPTER 25

105 36 0
                                    

Ashleigh's POV:

It's Sunday...

which means.. pwede nang mag-shopping!

Dali-dali akong bumangon at nag-unat saka dumiretso sa banyo para maligo. I'm so excited dahil sa toxic schedule ko ng first semester sa Aero, makukuha ko nang mag-unwind at magbawas ng stress, even just for a day.

Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos ay kinuha ko ang phone ko at nag-message sa group chat naming magkakaibigan.

Anghel sa Lupa: Good morning, girls! Are you ready?

Maureequin: Yes. Just pick me up sa house since ikaw naman ang nagyaya.

Baby Punk: Me too, please.

Anghel sa Lupa: Okay.

I'm still waiting for Jak's reply at noong nagco-compose na ako ng personal message sa kanya ay sakto naming nag-notify ang group chat with her reply.

Jakyut: I'm sorry, girls. Can't make it today. Take care.

Nag-seen lang si Mau at Jeyda. Doon pa lang ay masasabi kong bagsak-balikat na naman ang dalawa. These days, she's always busy and since we're still not used to her as an absentee in our gimiks, we always try our best to understand her.

Anghel sa Lupa: No worries. Please don't forget to rest! :)

Jakyut: I will.

Tipid akong ngumiti at binaba na ang phone sa table. Dumiretso ako sa body mirror para tignan uli ang sarili.

"Gorgeous." wika ko sa sarili habang pinapasadahan ang suot na simple blue dress na may ribbons sa magkabilang balikat at nakatali.

Pagkatapos kong bolahin ang sarili ay kinuha ko na ang bag ko sa kama at umalis na para sunduin ang dalawa kong babaita.

--


"Gosh! Bilisan mo magsukat ng lecheng heels na 'yan! Gusto ko nang kumain! I'm so hungry!" halos magpapadyak na si Jeyda dahil sa pagkairita kay Maureen na wala naming pakialam sa kanya at busy pa rin sa pagsusukat ng mga sapatos.

Natatawa na lang ako rito sa gilid habang naka-cross arms at pinapanood ang bangayan ng dalawa.

"You just ate a snack a while ago, Min! How come na gutom ka pa rin?" ani Mau habang hindi pa rin tinatapunan ng tingin si Jeyda.

"You just said it, okay?! It's just a freaking snack! Skyflakes to be exact, Dela Fuente! A biscuit!"

Ako na ang nahihiya dahil ang ibang saleslady ay napapatingin at natatawa na rin sa bangayan ng dalawa.

"Ang skyflakes ay pantawid gutom! Why don't you ask your parents who are professional chefs about that fact? May-ari kayo ng magarang restaurant but you, yourself can't even afford buying your baon. Sa akin nga galing ang skyflakes na nilamutak mo kanina and you still have the audacity to complain?" mahinang pinalo ni Mau si Jeyda sa braso gamit ang flat shoes na kasusukat niya lang.

I sighed and walked towards them, "Napakaingay niyo. Both of you are making a scene kung mag-aaway pa kayo rito." kinuha ko na ang pang-benteng pares ng sapatos kay Maureen na ngayo'y pinagkakaabalahan nito. Magr-reklamo pa sana siya pero inunahan ko na siya. "Let's continue this later dahil gutom na rin ako. Might as well, find a restaurant?"

Nagkatinginan ang dalawa at tumayo na. Bago kami umalis ay tinulungan naming ang mga saleslady na ibalik ang boxes of shoes sa bandang gilid dahil may plano pa yata itong si Mau na bilhin lahat. Twenty pairs, all for her.

Magkakayapos ang aming mga braso habang masayang naglalakad para humanap ng restaurant. Sa gitna namin ni Maureen si Jeyda.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay may nakabungguan akong lalaking naka-black hoodie. Kung hindi ako nagkakamali ay dahil gumagamit siya ng cellphone kaya bumangga siya sa amin.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon