CHAPTER 26

80 20 5
                                    

Jak's POV:

"Okay ka na ba anak? May masakit pa ba sa'yo? Nakainom ka na ng gamot mo? Masakit pa ba ulo mo? Hindi na muna kita papapasukin kapag--"

"Mom, I'm okay. Wala na akong sakit saka kailangan ko pong pumasok ngayon, marami pa po kaming kailangang asikasuhin."

"Pero anak--"

"Mom, for the last time, I'm okay. You have nothing to worry about." hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at nginitian siya.

Nagbuntong hininga naman siya na parang wala na siyang magagawa. "Fine, but promise me, you'll take care of yourself. Kapag nakaramdam ng kahit among pananakit ng katawan, call me ASAP. H'wag matigas ang ulo. Got it?" tinanguan ko siya.

"Anak, lahat ng bilin namin ng mommy mo, sundin mo, ha? Lalo na't hindi naman kami palaging nasa tabi mo. You should alway take care of yourself."

"Yes, Dad. Got it, parents. Too much worries can cause you rayuma."

-- Flashback --

Mag-isang oras na yata akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko habang kunot-noong iniisip ang nangyari kanina.

He left me while I was still sleeping. I don't know if I should be thankful or what.

I was so weak to get up from the bed earlier. Halos hindi ko na maaninag nang maayos ang paligid. But now, I feel better already.

"How's my daughter, Yaya Nene?" ang boses na ni Mom ang pumupuno ng buong hallway ng rooms.

Malakas na bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napalingon na rin ako.

"Gosh, my Jakaylita. Are you okay now, huh?" hinawakan niya pa ang noo ko at tinignan ang mga braso at hita.

"I'm fine, Mom. Stop doing that."

"Chinecheck ko lang kung may mga sugat ka ba or rashes. Uso ngayon ang sakit kaya kailangan kong makasiguro."

"Mukhang complications lang po ulit."

Hindi pa rin siya tumitigil sa kaka-check ng mga braso ko. Habang ginagawa iyon ng nanay ko ay ramdam ko ang nginig sa mga kamay niya.

"Mom." tawag ko sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pag-check ng iba pang parte ng katawan ko.

"I just need to be sure--"

"Mom." pinigilan ko na ang kamay niya.

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa'kin. I looked away when I saw her crying. I don't want to see her being like this.

"You having nothing to worry about, okay? I'm okay... I'm okay, Mom." I patted her shoulder.

"Anak..."

I smiled a bit, "That was two years ago already. Matagal-tagal na rin ang nangyari... and I managed to get rid of that nightmare."

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mata niya. "Kahit na. Hindi dapat tayo maging kampante sa kalagayan mo."

I gave her an assuring look, "Trust me. Normal na sakit lang 'to.. at hindi na kagaya ng dati."

Niyakap niya ako nang mahigpit, "Hindi ko na kakayanin pa kapag may nangyari ulit na masama sa'yo, anak. You endured too much pain.. and I almost lost you.."

Hinayaan ko lang si Mom na yakapin ako habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"I'm fine, Mom. Don't worry too much. Stop crying na."

-- End of Flashback --

"Gunggong."

"Hmm?" nilingon niya ako dahil nauuna siyang maglakad. Huminto muna siya kaya gano'n din ako.

Kasama ko siyang pumunta sa grand hall para mag-asikaso ng mangyayari sa pageant.

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon