CHAPTER 51

62 7 32
                                    

Ashleigh's POV:

"Aiden!" tumigil siya sa paglalakad nang tawagin ko siya. Nasa dulo siya ng ground hallway ng Med building, tingin ko ay galing siya sa ospital ng academy. Tumakbo ako papalapit sa kanya at binati siya.

"Hi?" he awkwardly said and smiled.

"You good? Something wrong?"

"Wala naman. Hindi lang ako sanay na una kang naga-approach sa'kin." natawa siya, "Musta?"

"Bakit mag-isa ka lang pala kakain? Nasa'n si Kendrick?" inikot ko pa ng tingin ang paligid namin ngunit ni anino ni Ken ay hindi ko nasilayan.

Break time kasi ngayon ng Aero students at sa pagkakatanda ko, kasabay namin ang Archi students lalo na at naroon si Ken at ang iba pang swimmers. Humingi ng permiso sina Aiden sa head office para magkaroon ng swimming training during break time kaya ngayong araw lang din itong schedule na magkasabay ang dalawang course mag-break. Nalaman ko lang din 'yon kay Jeyda.

He just shrugged. "I don't know where that bastard is. Dalawang araw na akong hindi nirereplyan sa text. Hindi ko rin siya nakikita sa campus pero hindi rin naman daw naga-absent 'yun sabi ni Jeyda. Fck him." kunot noo niyang sambit.

Hindi ko maiwasang mahinang matawa dahil parang hindi na siya makatiis pang hindi kausapin ni Ken. Obviously, they're soulmates.

"Ikaw ba, sino kasabay mo?"

"Si Mau. Busy si Jeyda and wala namang pasok si Jak."

"Ah gano'n ba?" napakamot siya sa ulo.

"Pero baka 2 pm pa si Maureen makakababa--"

"Ashleeeeigh! Aidenieeee!"

"Epal talaga." bulong ni Aiden kaya hindi ko napigilang matawa.

"Ba't ang aga mo naman yata? 12 pm pa, ah. Akala ko 2 pm pa kayo matatapos sa lab exam niyo?"

Sinabit ni Mau ang kamay niya sa braso ko, "Well, 'yung terror prof namin, may need daw puntahang urgent meeting kaya stress na stress siya and no choice siya kung hindi i-cancel ang klase namin. Dasurv! Sana mahirapan pa siya lalo gaya ng pagpapahirap niya sa'min. Hindi pwedeng kami lang nahihirapan, 'no! Dapat terror professors din!"

"Baliw ka talaga. Halika na. Sa'n na tayo kakain?"

"Hmm. Magkakape lang naman ako. Need ko ng iced coffee, pampalamig ng ulo. Masyadong hectic ang sched ng isang Med Tech."

"Okay, coffee lang din ako. E, ikaw, Aiden? Sama ka sa'min?" nilingon ko siya.

"Hindi na--"

"Syempre sasama 'yang si Alcazar. Chance niya na 'to, e. Kaya lang bigla akong umeksena sa inyong dalawa kaya hanggang ngayon minumura na ako ng tingin niya. Tama ba, Aidenie?"

"Stop calling me that, Maureen." sinamaan niya ng tingin si Mau.

"Dasurv! Dasurv niyong lahat na walang matchmaking time! Ano, ako lang mahihirapan? Dapat kayo rin!" nauna na siyang maglakad kaya sinundan na lang namin habang natatawa ako at si Aiden naman ay hindi maipinta ang mukha sa inis.

"Wala naman akong ka-matchmake, Maureen!" natatawa ko pang sabi habang nakasunod sa kanya.

"Syempre, wala pa. Galawang Kendrick din 'yan si Aiden, mag-iingat ka. Baka nakakalimutan mo ring naranasan niyong maging magjowa dahil may plano kayong lituhin ang kalaban ni Jak."

"Ang ingay mo!" tinakpan ko ang bibig niya nang may makasalubong kaming ilang students na palabas na ng cafe. Pagkapasok namin ay humanap na kami ng table na may sofa. Maarte ang pwet namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 08 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CAN IT BE? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon